Quantcast
Channel: Magbasa ng Matuto
Viewing all 1218 articles
Browse latest View live

TITA!!!! KAILAN PO ANG BALIK NIYOOOOO???

$
0
0


TITA!!!! KAILAN PO ANG BALIK NIYOOOOO???


Happy bday ate khye.,

Paano Ba Ako Papasa?

$
0
0
Paano Ba Ako Papasa?:

Ito ang kadalasang tanong ng mga normal na estudyanteng katulad ko. Hindi naman kasi lahat ng tao ay genius tulad ng ilan na  tiyak na papasa. Sigurado ako na marami sa atin ang sadyang masipag lang o maabilidad kaya nakakapasa. Kaya naman heto ang ilang tips kung paano ka ba talaga makakapasa:

  • Makinig sa lectures

Dito ka magsisimula. Sa simpleng pakikinig sa mga lectures mo. Mag notes ka para may reviewer ka kapag mageexam na. Iwasang makipag – usap sa katabi para hindi mawala ang concentration sa lecture. Kapag kasi nadestruct ka dirediretso na yun eh. Tsaka minsan kapag nakikinig ka ng mabuti at naabsorb mo ang karamihan sa mga tinuturo sayo eh siguradong matututo ka. Yung tipong kahit hindi ka na mag – review may maisasagot ka pa din sa exam. Kaso mahirap gawin to, kasi nga ang daming panggulo. Pwera na lang siguro kung gusto mo talagang matuto.

  • Mag – aral ng mabuti

Syempre kelangan to kung gusto mo talagang makapasa diba? Wala naman kasing ibang tutulong sayo kundi ang sarili mo. Oo, nandiyan ang iyong mga kaibigan pero pano kung dun ka nabarkada sa mga katulad mo din? Kaya dapat ay mag – review ka ng dibdiban kung gusto mo talaga pumasa, lalo na kung alam mong alanganin ka na. Huwag kang aasa sa iba kasi hindi sila habang buhay na nasa tabi mo although pwede ka din naman humingi ng tulong pag di mo talaga maintindihan at kapag kailangan na talaga.

  • Maging responsable

Dahil may mga pangbawi factors na tinatawag katulad ng mga projects, assignments, seatworks at attendance na kasali sa pag – aaral, kelangan natin tong matugunan ng maayos. Maging responsable tayo sa mga extrang gawain na binibigay sa atin ng mga teachers natin. Pangbawi din yun kung minalas ka at hindi nakapasa sa mga exams. Pwedeng ito pa ang maging dahilan ng ating pagpasa. Minsan kasi tinitignan din ng mga prof yung effort natin.

  •  Kaibiganin ang matatalino

Isa to sa mga ginagawa ko. Kinakaibigan ko ang mga matatalino. Sila kasi yung pwedeng magturo sayo kapag may hindi ka naintindihan sa lectures niyo. Wala namang masama kung magpapaturo ka basta sincere ka lang na gusto mo talagang matuto. Tsaka syempre ikaw na nga lang ang nakikiusap kaya kelangan mo talagang magfocus para ganahan naman yung magtuturo sayo.

  • Kaibiganin ang Prof

Kapag mabaet ka sa prof mo, magiging malakas ka sa kanya kaya pwede niyang magicin ang grades mo. Pero ingat ka kasi pag mas kilala ka ng prof, mas madali ka niyang ibagsak kapag nagkamali ka. Yung tamang pakilala lang dapat sa prof. Yung tipong mabaet ka sa klase niya. Active ka sa recitations. Kasi minsan problema din yang mga prof na yan eh. Masyadong terror. Parang ayaw magpasa. Siguro gumaganti kasi babagsakin din sila dati.

  • Maging desperado

Ok, so ito ang panghuling tip na ibibigay ko. Pero bago ito gawin ay kelangang nagawa mo muna ang lahat ng nasa itaas kasi desperate move na talaga to at kelangan lang gawin kapag kelangan na talaga. Medyo masama kasi ito at bawal pero dahil nga wala ka nang magawa eh mapipilitan ka talaga.

Minsan kasi kahit gawin mo pa lahat yung mga naunang tips na binigay ko eh sadyang kulang talaga. Normal na estudyante ka lang nga kasi na nagsusumikap. Kaya kapag wala na talagang pag – asa eh mangopya ka na. Tulad ng sinabi ko, kaibiganin mo ang mga matatalino. Nagpapakopya kasi sila minsan kaya nakakatuwa. Siguraduhin mo lang na magiging malinis ang pangongopya mo para hindi ka mabulilyaso. Aba, kalaboso ang diretso mo kapag nahuli ka. Tapos ang iyong maliligayang araw. Pero syempre, dapat mo talagang magsumikap para maiwasang mangopya. Kung kaya mo naman diba? Desperate move lang talaga to. Ginagamit lang in case of emergency at hindi dapat kawilihan dahil dito naguumpisa ang katamaran sa pag - aaral.

So ayan. Ilan lang yan sa mga paraang alam at ginagawa ko. Sigurado akong alam niyo at ginagawa niyo din ito. Effective naman siya saken kasi kahit papano pumapasa ako.

Subukan mo din. Malay mo effective din sayo.

TANGINA MO MAYWEATHER!!! ,,!,,

Ang PAG-IBIG ay parang yung larong BANG-SAK

$
0
0

Bakit?

Kasi ikaw na nga yung laging nagpapakahirap maghanap para maBANG siya pero masaSAK[tan] ka lang din naman.

Prostitusyon

$
0
0
Prostitusyon:

Ano nga ba ang prostitusyon? Ito ay ang pagbebenta ng katawan at pagbibigay ng panandaliang ligaya sa kahit na anong paraan para lamang kumita ng pera. Isa itong uri ng Human Trafficking. Hindi ito pinapayagan ng ating gobyerno dahil tutol ang simbahang katoliko dito.

Isa itong malaking problema ng ating bansa. Marahil ay hindi na ito lingid sa kaalaman nating lahat dahil madalas maging headline sa mga balita ang mga ganitong uri ng problema. Kaya naman naglilipana ang mga bypass operation ng mga pulis hindi lang sa Maynila kundi sa buong bansa. Nandiyang may niraid na beerhouse at mga cyberdens, mga massage parlor na may extra service, mga “boss chicks”, at marami pang iba. Madalas ay mga menor de edad ang mga biktima.

Ngunit kahit buong tapang na hinaharap ng mga pulis at DSWD ang ganitong mga problema ay hindi pa rin ito mapigilan. Maraming uri kasi ng prostitusyon ang nagaganap sa bansa kaya nahihirapan ang ating mga kapulisan.

Isa na dito ay ang paggawa ng mga ilegal na Sex Scandals o PORNOGRAPIYA (hango sa salitang griyego na “pornea” - prostistusyon at “grapho” - ilustrasyon). Ito yung mga malalaswang palabas o malalaswang babasahin kasama ng mga malalaswang larawan na nagkalat ngayon. Kahit saan ay makikita mo ang mga ito. Mabentang mabenta to sa mga kabataang sabik sa mga ganyang bagay at sa mga tigang o kaya naman ay sa mga taong sadyang malibog at hindi mapigilan ang init na nararamdaman kaya nagsasariling sikap na lamang.

Nandiyan din ang mga bugaw na taga – alok ng kanyang alaga sa mga taong nangangailangan ng panandaliang ligaya sa murang halaga. Marami nito sa Cubao, sa may footbridge. Nagkalat ang mga bugaw doon.

Nagpapahirap din ang mga makabagong teknolohiya para puksain ito. Yung ibang mga bugaw ay gumagamit ng internet para doon na lang magkaron ng transaksyon. Pagkatapos ay idedeliver ang inorder na babae/lalake sa taong umorder na para ka lang nagorder ng pagkaen sa fastfood dahil sa sobrang bilis. Meron din namang mga website na puno ng sex scandals at kelangan mong magbayad ng membership fee para mapanood ang mga ito. Meron din nung tinatawag na “cybersex” na kung saan magtatalik kayo sa pamamagitan lamang ng internet at webcam. May bayad din ito para magamit mo ang serbisyo.

Hindi naman sana lalaganap ang prostitusyon sa ating bansa kung natutugunan lang ng gobyerno ang daing ng ating mga kababayan. Tulungan ang mga mahihirap. Karamihan kasi sa mga pumapasok sa ganoong uri ng trabaho ay yung mga mahihirap na wala ng ibang alam na trabaho kundi ang pagbebenta ng sariling katawan. Hindi natin sila masisisi dahil hindi naman sila nakapagtapos ng kolehiyo para makakuha ng magandang trabaho. At isa pa, wala din namang prostitusyon kung walang tatangkilik dito.

KICKBACK

$
0
0
KICKBACK:

Una sa lahat, ano ba ang ‘kickback’?

Well, ito yung mga paunti unti o malakihang kupit na ginagawa natin sa ating mga magulang. Intensyon man natin o hindi na kumupit ay pangungupit pa din ang tawag dun.

Nagsimula sa papiso piso hanggang sa lumaki na ng lumaki habang tumatanda. Pero hindi ito isang magandang gawain mga kaibigan. Dahil uri na din ito ng pagnanakaw at ayon sa sampung utos ng Diyos, ito ay isang malupit na kasalanan. Kaya kung ginagawa niyo to, magisip isip na kayo.

Eh bakit ba kasi nangingickback ang isang tao?

Ang totoo kasi niyan eh mahirap ipaliwanag kung bakit dahil iba iba naman ang ating mga katangian. Malay ko ba kung trip niyo lang mangupit o kelangan niyo talaga. Bibigyan ko na lang kayo ng ilang halimbawa kung bakit nangungupit ang isang tao.

  • Masyadong maliit o kulang ang allowance.

Hindi naman kasi lahat ng tao ay mapera. Yung iba ay sapat lang ang baon na natatanggap mula sa kanilang mga magulang kaya sila natututong kumickback para sila ay may panggastos sa kanilang mga sariling lakad. Alam kasi nila na hindi sila bibigyan ng pera kapag nanghingi sila dahil wala naman talagang maibibigay.

  • Para panggastos sa bisyo, panggala, pang sariling kaligayahan.

Dahil sila ay magastos, mabisyo, mahilig gumala kaya sila nauubusan agad ng pera. Maliit man o malaki ang allowance mo, once na ikaw ay magastos, ubos agad yun kapag di ka marunong magtipid. Ayun, natututo silang kumickback.

  • Dahil alam na may makikickback.

Yan. Eto na yung sa mga mapepera talaga. Alam kasi nilang may makikickback sila sa mga magulang nila kaya sige lang ang kupit. Mayaman eh. Pero sana humingi na lang sila ng maayos, bibigyan naman sila eh. Palibhasa ang gusto nila bibigyan na sila ng pera tapos kukupit pa.

Dyan sa ganyan kadalasang naguumpisa ang pangingickback. Madalas dala ng pangangailangan(kunwari) pero gusto lang talaga nilang sundin ang mga luho nila. Buti sana kung sa luho lang napupunta ang lahat eh kaso minsan sa masamang bisyo nauuwi ang perang kinukupit. Yun ang dapat nating maiwasan. Kasi gumawa ka na nga ng masama tapos gagawa ka pa ulit. Ibang klase ka na nun.

So, dahil alam mo na kung ano at san nagsisimula ang pangingickback, ibibigay ko naman sayo ang ilang mga paraan kung paano mangupit ang mga kickbacers. 

(“kickbackers” - tawag sa mga taong kumikickback)

  • Overpricing

Bibili lang ng halagang 200 pesos na libro nagiging 500 na. Oh anong mangyayare, edi bibigyan sila ng 500 ng magulang nila tapos yung 300 dun kanila na. Pati sa mga tuition ginagawa din yan eh. Yung 20k nagiging 21k. Basta kapag hinanapan sila ng resibo wala silang maipakita. Sasabhin nila nawala para hindi mabisto.

  • Kunware UNINTENTIONAL

Madalas sila yung mga inuutusan na bumili ng ganito, pumunta ka dun at dalin mo to. Basta madalas silang utusan. Pero kapag inutusan naman sila at mayroon pang sukli eh hindi agad nila ito binabalik. So kapag hindi na naalala ng magulang nila edi kanila na yun. Kapag naman naalala ng parents nila ay magdadahilan sila na nakalimutan nila. Pero syempre kunware lang yun dahil intention talaga nilang hindi na ito ibalik.

  • May Project

So madalas itong idahilan lalo na ng mga estudayanteng kickbacker. Syempre nga naman nag-aaral edi syempre may mga project din. Ang kaso nga lang, sobrang dumadami ang projects nila para makahingi ng pera sa magulang. Minsan naman hindi dinadagdagan ang dami ng projects pero overpriced naman (refer to overpricing) kaya ganun din. At kung minsan ay nadadagdagan pa kasalanan nila kapag nagpaalam na aalis at gagawa ng project kahit wala naman. So dobleng kasalanan yun.

  • May Babayaran

Parang yung sa project lang din. Ang daming binabayaran kahit wala naman talaga. Kanya kanyang imbento at kung minsan ay nangdadamay pa ng kaibigan para mas matibay ang kasinungalingan.

  • Garapalan

Ang pangungupit na obvious. Yung tipong wala ng halong pagsisinungaleng. Yung sa wallet na ang diretso at bahala na kapag nahuli. Pero mas okay na to kesa magsisinungaling pa. Atleast medyo honest na nangungupit. Pero hindi naman dapat na ipagmalaki ang ganitong gawain.

So ayan, ilan lang yan sa mga alam kong paraan ng pangingickback. Ilan lang din yan sa mga ginagawa ko(kung makapost ako ng ganito akala mo malinis).

Usong uso pa naman ngayon yang kickback na yan. Lalo na talaga pag may pasok. Kabilaan ang pangungupit sa kanilang mga magulang. Buti na lang at may mga mababaet pang mga anak na kagaya ko. Pero mukhang mas madami kasi yung mga medyo may kasamaan ang ugali.

Sana lang ay iwasan na natin ito kung ginagawa niyo man. Masama kasi eh. Sana makonsesya tayo.

Ano ang KALAGAYAN ng Pilipinas?

$
0
0
Ano ang KALAGAYAN ng Pilipinas?:

Ipinasa ko ang post na ito sa aking professor noong nakaraang nakaraang sem. Hindi ko alam kung ano ang grade ko pero sana ay mataas. Basahin niyo na lang at kayo ang humusga. Bigyan mo ko ng grade para dito pwede?

Batay sa aking obserbasyon, ang Pilipinas ay naghihikahos ngayon. Pero bakit nga ba nagkaganito ang aking sariling bayan? Ang sagot ay hindi ko din alam dahil namulat ako sa mundong ito na ganito na ang sitwasyon. Ewan ko lamang noon. Pero ang sabi ng lola ko sa akin ay maayos naman daw noon at hindi katulad ng pamumuhay ngayon.

Si FVR pa ang presidente ng ako ay isilang sa mundong ito at syempre wala pa akong pakielam sa mga nangyayare noon dahil di ko pa naman naiintindihan ang mga ito. Pero alam ko na turismo ang kanyang pinunterya. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang naglunsad ng “Pilipinas 2000” na naglalayong palawakin ang turismo sa bansa. Hindi ko nga lang alam kung naging matagumpay siya sa proyektong iyon bago matapos ang kanyang anim na taong termino.

Dumating ang panahon ni ERAP, wala pa din akong pakielam pero naging pro ERAP ako noon dahil na rin sa mga tao sa bahay. Malaki ang naging impluwensiya ng mga kasama ko sa bahay sa aking kaisipang pangmundo. Ayos lang sa kanila na gawing legal ang “jueteng” dahil madami naman daw itong matutulungan kaso hindi pinayagan ng senado kaya na kick – out sa Malacañang si Erap. Pero ngayon pinag – aaralan na naman ang “jueteng”. Kung magiging legal man ito, ginawa lang tanga ng mga nagpatalsik kay Erap pang kanilang mga sarili.

Pumalit si GMA. Dito na ko nagsimulang mamulat sa pamamalakad ng ating walang kwentang GOBYERNO. Kabilaan ang kahayupang ginawa ng duwende sa palasyo. Hindi ko na iisaisahin pa ang mga ginawa niya. Alam na natin lahat ang ito. Kabilaan ang kanyang pagpapasasa gamit ang pera ng sambayanan. Sa loob ng kanyang sampung taong pag – upo, hindi ko man lang naramdaman ang pag – unlad ng bansa. Parang lalo pa atang lumubog sa utang. Pero may mga magandang proyekto din naman ang loka – loka na pinapakinabangan ng mga tao ngayon.

Mabuti at pinalitan na siya ni PNoy na naguumpisa pa lamang ayusin ang gusot na nagawa ng mga nakaraang administrasyon patungo sa tuwid at mabilis na daan (sana nga at ganon).

At dahil sa mga naganap na kapalpakan sa ilalim ng pamahalaang Arroyo na nagpalala sa kahirapan ng bansa, ang Pilipinas ngayon ay lalo lamang nalubog. Isang bansang malala ang kahirapan. Isang bansa kung saan sandamakmak ang naghihirap at kakaunti ang lumalangoy sa kayamanan. Isang bansa kung saan hindi lahat ng isinilang dito ay may sariling pag – aari (maliban sa kanyang sariling “ari”). Isang bansang pinangangakuan na hindi naman tinutupad ng mga nangangako. Isang bansang nagpapaloko sa iba’t ibang uri ng panloloko. At higit sa lahat, isang bansang mahirap at lubog sa utang na lalo lang nadadagdagan ngunit hindi naman nararamdaman ng taong bayan.

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na marami talaga ang naghihirap sa ating bansa ngayon. Maraming walang tirahan. Marami ang walang trabaho. Marami ang hindi nakakapag – aral. Ang masaklap pa dito ay kung sino pa yung mga walang wala sa buhay ay sila pa itong maraming anak. Lalo na yung mga nakatira lang sa lansangan, ang dami dami nila. Halos sunud – sunod pa ang agwat sa edad ng mga bata. Kung iisipin, ano pa ang kakainin ng mga batang ito eh wala ngang trabaho ang kanilang mga magulang? Eto namang mga magulang na to, alam na nga nilang wala silang ipapakain sa mga anak nila, gawa pa ng gawa ng bata. Pinapalobo lang nila ang populasyon ng bansa at lalo lang madadagdagan ang mga mahihirap.

At dahil sa kahirapan o kakulangan sa salapi, dumarami ang mga krimen. Pera ang naguudyok sa mga holdaper, snatcher, magnanakaw at iba pa para sila ay gumawa ng krimen. Minsan ay kawalan din ng sapat na pera ang nagiging dahilan para mag – adik ang isang taong mahirap o di kaya naman ay magtulak ng ipinagbabawal na gamot. Minsan pa ay may mga bata ding naiimpluwensiyahan ng mga ganitong krimen. Mga kumakalam na sikmura ang dahilan kaya sila ay nagiging desperado, hindi dahil nabulungan sila ni Satanas.

Marami ding mga mapanamantala. Pinagsasamantalahan nila ang kahinaan ng mga mahihirap. Nandiyang papautangin nila pero ang laki naman ng tubo na lalo lamang magpapahirap sa mga nangungutang. Ngunit ano nga ba ang magagawa kung kumakalam na ang sikmura?

Isa pa, napakapalpak ng gobyerno naten. Punong puno ng mga korap. Puro under the table kaya ang resulta ay ang lalong paglubog ng bansa. Ginagamit ng mga politiko sa pansariling pangangailangan ang pera ng bayan. Ginagamit nila sa eleksyon ang nakurakot nila. Kung minsan naman ay tatakbo sa eleksyon at kapag nanalo ay tsaka babawiin ang nagastos. Hindi naman lahat ng politiko ay ganun pero MERON.

Problema din sa gobyerno natin ang makupad na pagpoproseso ng mga dokumento kaya tumatagal at humahaba ang pagpila ng mga tao sa mga himpilan ng pamahalaan. Kung minsan naman ay wala ang tao na dapat mong puntahan. Parang yung naranasan ko nung bakasyon sa pagkuha ng baranggay clearance.

Hindi din nananaig ang tunay na hustisya sa ating bansa. Maraming naaabsuwelto sa kanilang kaso kahit na sila ay tunay na may kasalanan. Dinadaan sa pera. Binabayaran ang korte para makalusot sa kaso. Tapos ang ending, kawawa yung nabiktima lalo na kung mahirap na walang pambayad.

Dito din sa bansa natin, maraming dayuhan ang nagmamay – ari ng mga malalaking kumpanya o di kaya ay may malaking investment sa isang malaking kumpanya. Kaya ang nangyayari, sila ang yumayaman at hindi ang mga Pilipino. May maganda din namang naidudulot ito. Nakapagbibigay ng madaming trabaho kaso maliit naman ang sweldo. Kulang. Hindi kayang buhayin ng marangya ang pamilya sa sinesweldo nila. Pero ano ang ginagawa ng ating gobyerno? Wala! Dahil tuta ng amerika ang presidente. Kung ano ang sabihin ng amerika, sinusunod.

Sa madaling salita, ang kalagayan ng Pilipinas ay isang bansang gatasan ng mga mayayamang dayuhan at ng mga makapangyarihan. Parang baka na ginagatasan. Parang isang malaking bangko na pwedeng pwede pagkuhaan ng pera kahit na wala namang dineposito.

Sobrang daming problema ng ating bansa. Baon sa utang. Sa dami ng utang ng Pilipinas, yung mga bagong panganak na Pilipino ay may utang na agad. Lubog na lubog na talaga ang Pilipinas. Sana magawan ng paraan ni PNoy. Kaso ngayon pa lang puro problema na ang dumadating. Di bale, may limang taon pa naman siya sa kanyang termino.

Kelan ba mababawasan ang problema ng Pilipinas? Kelan ba uunlad ang Pilipinas?


Paano Mangopya?

$
0
0
Paano Mangopya?:

Marami sa atin ang nangongopya. Aminin man natin ito o hindi eh nature na natin yun. Kapag hindi natin alam ang sagot siguradong kakailanganin natin ang tulong ng iba. Pwedeng sa exam, seatwork o assignments. Wala namang masama dito basta hindi lang mahuhuli ng teacher o professor.

Ito ang ilang tips para maging magaling sa pangongopya:

  • Una sa lahat, huwag MAGDADASAL bago mangopya

Putangina mo ba? Magdadasal ka tapos mangongopya ka? Napakawalanghiya mo din naman kung ganun ang gagawin mo. Mabuti pang wag ka na magbanalbanalan. Mangopya ka na lang.

  • Pumasok ng maaga

Manguntsaba ka ng kaklase mo na alam mong gumagawa ng assignment at sabihin mo na pumasok din siya ng maaga para makakopya ka din agad. Mahirap kasing mangopya na alam mong parating na yung prof eh. Pwedeng maging basura ang itsura ng assignment mo kaya mas maganda kung maaga pa lang eh makakakopya ka na.

  • Magpaphotocopy ng sagot

Maraming masipag na estudyanteng nagkalat eh. Yung tipong ilang araw bago magpasa ng assignment eh gumagawa na siya para daw less hassle. At sila dapat ang kuntsabahin mo sa tip na ito. Ipaphotocopy mo ang gawa nila para sa bahay mo na lang ito kopyahin. Maayos pa ang kalalabasan at hindi mukhang minadali ang gawa.

  • Bilisan ang pagkopya

Kapag hindi mo nagawa ang unang dalawang tip ay kailangan mong bilisan ang pangongopya. Bahala na kung anong kalalabasan ng itsura basta kelangan mabilis para umabot ka sa oras. Hindi ka kasi dapat mahuli na nangongopya. At isa pa, may iba pang kokopya kaya mahiya ka naman.

  • Pag may hindi naiintindihan, huwag nang magtanong

Pampatagal kasi ng pangongopya ang pagtatanong. Kaya huwag mo na subukan. Kahit hindi mo na maintindihan dapat dirediretso lang. Huwag mo na isipin na baka mali ang sagot kasi nangongopya ka nga lang. Huwag mo na hangarin na makaperfect. Saka mo na lang itanong kapag naipasa na.

  • Tadyakan ng mahina ang silya ng kaklase

Mahina lang talaga dapat para hindi siya mabwisit. Basta alam na ng katabi mo yun. Makikita mo na lang yung papel niya bigla kasama ng mga sagot o kaya naman ay iiling siya pag wala din siyang sagot. Pwedeng may ipapasa siyang papel ng mga sagot.

  • Sumimple lang ng tingin sa papel

Huwag kang magpapahalata sa prof mo na nangongopya ka. Kung pwedeng umikot ng 360° at maging 100x optical zoom ang mata mo gawin mo. Kailangan din na flexible ang leeg mo para madali kang makakalingon at madali mong maibabalik ang mukha mo sa harap kapag pakiramdam mo na mahuhuli ka na ng prof mo. Kung tropa mo ang katabi mo ay kuntsabahin mo na agad bago magexam. Sabihin mo na medyo lakihan niya ang sulat niya at itagilid ang kanyang papel ng mabasa mo ang sagot niya ng hindi ka nahihirapang tumingin.

  • Huwag na huwag magpapapasa ng papel ng mga sagot sa katabi

Madaling mahuli kasi pag sa katabi ka magpapapasa ng sagot. Madaling makikita ng prof ito at malilintikan pa kayo kaya dapat ay yung tao sa harap at likod mo lang ikaw hihingi ng papel ng mga sagot. Ibato na lang sa sahig ang papel ng mga sagot kapag sa katabi ito ipapasa.

  • Ilaglag ang ballpen kapag may nagtapon ng sagot sa sahig

Pero dapat yung mukhang aksidente lang. Tapos sabay sa pagpulot ng ballpen ang pagpulot sa papel ng mga sagot.

  • Magunli ka

Uso to ngayon. Pamalit sa pasahan ng papel. Mas hindi halata. Marami kasing naggGM ng sagot kapag exam eh. Magmumula sa isang tao hanggang sa kumalat ng kumalat kaya kelangan mong magunli para makapagtanong ka na din kung may sagot na. Ang kaso effective lang to sa identification, enumeration, matching type, true or false at multiple choice na uri ng exam. Hindi ito pwede sa mga exam na kelangan ng solution kasi kawawa ang panggagalingan ng sagot.

  • Kuhanin ang papel ng kaklase

Desperadong move na to kaibigan at kelangan ng matinding pagsasanay. Hindi ito basta ginagawa ng mga baguhan. Once kasi na kinuha mo na ang papel ng kaklase mo ay para ka na ding pumasok ng impyerno. Sobrang malilintikan ka kasi kapag nahuli ka at madadamay pa ang kaklase mo. Basta pag nasayo na papel niya bilisan mo na lang ang pagkopya pero kailangan simple mo lang kukunin ang papel niya. Pwede itong gawin kapag ipapasa na ang mga papel. Kunin moa gad ang papel ng nasa likod mo at bilisan ang pagkopya.

  • Makipagpalit ng papel sa kaklase

Isa pang desperate move ito at kailangan din ng matinding pagsasanay. Hindi lang ikaw kundi pati yung kaklase mo ay dapat na praktisado. Teamwork na to eh. Kukunin mo ang papel niya na puro sagot tapos ibibgay mo sa kanya papel mo para sagutan niya. Dapat magaling siya mag – iba ng sulat para hindi halata. At dapat ay nakapag – aral din siya para may maisusulat siya sa papel mo.

  • Tumabi sa matalinong mabait at mapagbigay

Hindi mo magagawa ang mga naunang tips kung hindi nag – aaral ang katabi mo kasi pareho lang kayong maghahanap ng sagot. Kailangan mong kumapit sa patalim. Huwag kang mahihiya kasi hindi lang ikaw ang nangongopya. Basta tropahin mo mga matatalino palagi. Maging mabaet ka sa kanila para mabait din sila sa iyo. Sila ang susi mo sa tagumpay.

  • Mahiya sa kokopyahan

Hindi porke pinakopya ka eh kailangan mo na kopyahin lahat. Magtira ka naman sa kanya kasi baka mataasan mo pa ang score niya pag kinopya mo lahat. Magtira ka ng sariling kahihiyan sa katawan. Sadyaing huwag kopyahin ang lahat ng sagot ng kaklase mo.

  • Dahil nangopya ka, huwag kang maging madamot

Kelangan magshare ka din ng sagot mo or ng nakopya mo. Syempre hindi naman pwedeng tanggap ka lang ng tanggap ng sagot. Lagi mong tatandaan na hindi lang ikaw ang nangangailangan ng mga sagot. Maraming umaasa sa pangongopya kaya ishare mo ang blessing na natanggap mo mula sa iyong source.

So ayan, sapat na siguro yang mga tips na yan para maging isang magaling ka sa larangan ng pagkopya. Ang dami na niyan at lahat yan ay namaster ko na kaya naman ibabahagi ko sa inyo para makatulong ako kahit papaano.

Maiiwasan naman ang pangongopya eh. Mag – aral ka lang ng mabuti. Pero minsan talaga kahit mag aral ka ay ganun pa din. Talagang may mga prof lang na masayang nagpapahirap ng mga estudyante niya.

Laging tatandaan ha, HUWAG MAGDASAL BAGO MANGOPYA!!!

Ang MALING sagot ng mga Pinoy

$
0
0
Ang MALING sagot ng mga Pinoy:

Bakit kaya marami sa ating mga Pilipino ang sumasagot minsan ng mali sa mga napakadadaling tanong? Kung hindi malayo sa tanong ang sagot, minsan sasagutin ka din ng tanong. Ang labo diba?

Nandiyang magtatanong ka ng “kumain ka na ba?” tapos ang isasagot sayo “busog pa ko eh”. Gaano kalabong sagot yun? Diba dapat oo o hindi lang ang sagot dun? Minsan naman ang isasagot sayo “ikaw kumain ka na?”. Tangina, tinatanong ka nga diba tapos tatanungin mo din ako. Ang labo nun brad. Sana nagtanungan na lang kayo tapos walang sasagot para mas masaya.

Pero ito ang pinakamalupit na tanong ng mga Pilipino na may pinakamalupit na sagot. Ang tanong na “nasan ka na?” na sasagutin naman ng “malapit na!”.

Where the hell in the Philippines is the place called “malapit na”? Kahit sa ibang bansa walang lugar na “malapit na”. At kapag ganyan ang sagot ng kausap mo, humanda ka na, ibig sabihin nun ay malelate siya. Pwedeng paalis pa lang siya ng bahay o kaya maliligo pa lang at ang pinakamasaklap ay yung kagigising lang niya. Diyan na pumapasok yung “Filipino Time” na hindi ko na masyadong ieelaborate dahil alam na ng mga pinoy kung ano yun.

Alam ko na pwedeng gumamit ng common sense sa mga tanong na ganyan pero paano kung masyadong literal ang pag – iisip ng kausap mo? Pwede naman kasing sumagot ng maayos. Yung sagot na diretso at wala ng paligoyligoy pa ng sa ganoon ay mas madaling magkakaintindihan.

Namimilosopo lang po! =)

Pangako

$
0
0

Ang pangako na binitawan ay hindi dapat binabali. Dapat mo itong tuparin. At kung hindi mo naman matutupad ang pangakong iyong binitawan, sana ay hindi ka na lamang nangako. Mababadtrip lang ang taong pinangakuan mo at mababawasan pa ang tiwala niya sa iyo dahil pinaasa mo siya.

Wala namang masama sa pangangako basta’t tutuparin mo ito. Hindi ka pa makakasakit ng damdamin ng iba.

Kaya bago tayo magpromise ay dapat na isipin muna nating mabuti kung kaya ba natin itong tuparin o hindi.

Gusto kong maging famous.

$
0
0

Basta famous. kahit saan at anong larangan. hahaha

Huwag kang matakot dahil nandito lang naman ako sa iyong tabi at hinding hindi kita pababayaan kailanman.

Aanhin mo ang GWAPO kung gagaguhin ka lang naman niya? Why not settle with me? Sobrang GWAPO na sobrang bait pa!

Kung may RELATIONSHIP STATUS lang sa facebook na "is flirting with * insert name here*"

$
0
0

Sigurado ako!

Mababawasan ang mga SINGLE!

Baka nga wala ng SINGLE eh.


Ang inaabangan ng lahat. Ang paghaharap ni Vice Ganda at Boy...

$
0
0


Ang inaabangan ng lahat.

Ang paghaharap ni Vice Ganda at Boy Pick-up.

Kailan kaya mangyayare yun??

Sino ang magwawagi??

Abangan.

Guys, Miss Universe na! Tara panuorin natin baka sakaling manalo si Shamcey sa replay. =)

“GV” Wala nang dapat pang sabihin. Salamat kuya...

$
0
0


“GV”

Wala nang dapat pang sabihin. Salamat kuya Gyno.

“Eto pa isa oh” Salamat alexxftw na dating...

$
0
0


“Eto pa isa oh”

Salamat alexxftw na dating swaggeralex ata?

The Ultimate Laguna Meetup??

$
0
0

Gusto niyo ba nito? reply lang sa mga gusto na taga laguna. Pakikalat na din guys kasi onti lang tagasunod ko. T.T

Pero ayokong magorganize. hahaha.

Tulong mga kaibigang LAGUNENSE!!!

feeling ko fail tong post ko. hahahaha

Viewing all 1218 articles
Browse latest View live