- Yung Famous na magaling pero tahimik lang at walang kayabang yabang.
- Yung Famous na magaling pero may kaangasan at suplado.
- Yung Famous na magaling at friendly kaya siya kilala.
- Yung Famous na maganda/gwapo lang.
- Yung Famous na sumikat lang dahil sa panggagago ng iba o kaya naman siya ay naBASH pero ikinalubog din niya yun.
May LIMANG klase ng FAMOUS
Bakit hindi ka Famous?
- Hindi ka FRIENDLY.
- MAANGAS ka.
- HATER ka.
- MASAMA ANG UGALI MO!!!
Maging matyaga ka lang kaibigan at sigurado, dadating ang araw, titingalain ka din nila. Huwag kalimutang maging Friendly at Mabait. Kasi kahit anong galing mo kung masama naman ang ugali mo, TANGINA mo pa din.
Ipagpatuloy lang ang pagbablog. Notes lang yan! Hindi ka tatalino at mabubuhay diyan.
Ay syet, may dumi ako sa kuko!
The Typical Tamad Student:
- Bahala na si seatmate bukas
Kapag may exam kinabukasan hindi siya mag - aaral. Mangongopya na lang siya sa katabi niya. Tapos pag nahuli edi lagot. Kaso matitinik yung mga ganito eh.
- Bukas ako kokopya
Ito yung mga pumapasok ng maaga para makakopya ng assignment. Minsan nangongontrata pa sila ng mga kaklaseng masipag para pumasok din sila ng maaga at pakopyahin sila.
- Kaya mo na yan
Kapag may group project hindi siya tumutulong. Lagi niyang iniisip na kaya na yung ng mga kagrupo niya kaya siya petiks petiks lang.
- Uhm, di ko po alam sir/mam
Hindi sila nagtataas ng kamay kapag recitation kasi hindi nila alam ang isasagot nila dahil hindi sila nagreview. Tapos kapag naman natawag dahil nabunot ang pangalan niya ang sasabihin niya hindi niya alam ang sagot.
- Computer muna
Sa sobrang kaadikan nila sa computer eh napapabayaan na nila ang kanilang pag - aaral. Ang resulta, late lagi magpasa ng project, minsan wala pang napapasa. Laging walang assignment. Laging bokya sa exam.
- Gala na lang tayo
Puro gala ang nasa isip. Tapos nag - aaya pa ng ibang mga katulad niya. Laging absent mga ganito eh.
- Pakopya o paphotocopy ng notes mo ha
Wala silang notes kasi hindi naman sila nakikinig kaya mangongopya na lang sa kaklaseng nagpakahirap at nagkandapalipalipit na ang leeg makopya lang ang nakasulat sa pisara. Pero madalas di din naman nila binabasa ang kinokopya nila.
- Igawa mo ko nito, bayaran kita
Nagpapagawa sila ng mga takdang gawain nila sa iba nilang kaklase tapos magbabayad na lang sila. Nanunuhol kumbaga. Minsan sa Recto na dumideretso yung iba.
- Ayaw ko na pumasok
Sa sobrang katamaran at dahil nagkakanda bagsak bagsak na eh humihinto na lang sila. Minsan choice ng magulang pero kadalasan choice nila kasi mas masaya sila na hindi sila pumapasok sa school
Ilan lang yan sa mga alam ko. Yung iba ginagawa ko lalo na yung unang dalawa. Pero iniiwasan ko na to ngayon. Mahirap na.
Ikaw, Typical Tamad Student ka din ba?
Ako si BOY ELECTRICFAN!!!
Grabe! Walong Electricfan yung nilinis ko kaninang umaga. At oo, ganyan lagi ang itsura ko kapag naglilinis ako kasi allergic ako sa dust. Makapagpahinga na nga lang muna. =)
Pwede bang magyabang? hahahaha… Wala lang., GV lang.,...

Pwede bang magyabang? hahahaha…
Wala lang., GV lang., feeling ko nakapagpahinga na ako nung makita ko yan.,
Salamat misskatrinarose. =)
Imbensyong Pinoy
Tayong mga Pilipino mahilig magimbento eh. Mapa teknolohiya man yan oh kung ano pa. Marami kasing Pilipinong imbentor. Isang halimbawa dito ay si Agapito Flores.
Kilala niyo ba si Agapito Flores??
Ako kilala ko siya kasi isa daw siyang electrician na nagmula sa Tondo, Manila na nakaimbento ng tube light. Dinala daw niya ang imbensyong ito kay Manuel Quezon ngunit ito ay tinanggihan. Pagkatapos ay may nakilala daw siyang dalawang French(Fries) at binili sa kanya ang patent ng kanyang naimbentong tube light at saka ito ipinagbili ng dalawang French(Fries) sa Genereal Electric(GE).
Lugi siya kung titignan kasi milyon milyong dolyar sana ang kanyang kinita kung siya mismo ang nagbenta nito sa GE.
Nalaman ko ang istoryang ito noong bata pa ako. At alam kong yung iba sa inyo, hanggang ngayon ay yun ang alam. Pero alam niyo bang hindi talaga ito totoo??
Siguro isa to sa mga unang kuwentong barbero na narinig niyo. Una sa lahat, hindi totoo si Agapito Flores at wala ding naitalang imbensyon tungkol sa “tube light”. At bago pa man lumabas ang kwentong barbero na ito, nagbebenta na ng mga fluorescent lamps ang GE.
Si Thomas Edison talaga ang nakaimbento ng fluorescent lamp at ito ay kanyang naimbento noong 1896. Kaso nga lang hindi agad ito pinroduce pero noong 1938 ay nagumpisa ng magbenta ng fluorescent lamp ang GE.
Hindi rin ito pinatunayan ng Department of Science and Technology (DOST). Tinanggi din nila na isang nagngangalang Armando Balite ang nakaimbento ng high powered gun na “armalite”.
Tignan niyo to. Isang patunay na talagang kuwentong barbero lang ang tungkol kay Agapito Flores at Armando Balite.
- Agapito Flores = Fluorescent
- Armando Balite = Armalite
Ayan, iwasan niyo na ngayon na ipagyabang ang mga imbensyong yan dahil kuwentong barbero lang naman talga yan.Walang katotohanan at walang ding pruweba. Isang kathang isip na tumatak sa ating utak. Isang istorya na nagmula sa isang tao at nagpasapasa sa utak ng mamayang Pilipino.
Ngunit hindi pa naman doon natatapos ang lahat. Meron pa din naman tayong mga maipagyayabang na mga imbentor. Katulad na lang ni Francisco Quisumbing. Siya ang nakaimbento ng Quink ink na ginagamit ng The Parker Pen Company. Nandiyan din si Eduardo San Juan. Isang inhinyero na nagdisenyo ng Lunar Rover Vehicle na ginamit ng NASA para sa mga ekspedisyon sa buwan.
Hindi lang sila dahil marami pang iba diyang imbensyong Pilipino na hindi masyadong kilala dahil hindi nababalita at hindi din nabibigyan ng break. Katulad na lang nung Hydro Powered Car ni Daniel Dingel.
Although nabalita naman ito eh hindi naman ito sinusuportahan ng ating pamahalaan. At dahil nga sa hindi ito pinapansin ng pamahalaan at pinagtatawanan pa siya, ipagbebenta na lang daw niya ang kanyang teknolohiya sa mga dayuhan sa isang napakalaking halaga.
Sayang lang kasi sa tingin ko ay ito na ang malaking break na inaantay ng Pilipinas. Kapag nakapagmanufacture tayo ng water fueled cars ay siguradong magiging malaki ang magagawa nito sa industriya ng buong mundo at sa industriya ng ating bansa.
Kawawang mga imbentor. Kung susuportahan lang sana sila ng ating pamahalaan edi baka naging maunlad din tayo, diba?
Magyayabang ako ulit ha? Eto pa isa. Si kuya beben na araw araw...

Magyayabang ako ulit ha?
Eto pa isa. Si kuya beben na araw araw na lang akong pinapatawa.
Salamat kuya beben. Di na ko nakakapagpost ng TAE ko eh., hahahaha
Yung mga araw na wala pang limit ang Tumblr Ask.
Ang Buhay at Ang Lapis
Kapag hindi pa tayo ibinibigay ng Panginoon sa ating mga magiging magulang at sama – sama pa tayo sa piling niya, pantay – pantay lang tayo. Hanggang sa dumating yung panahon na mapupunta na tayo sa sinapupunan ng ating magiging ina (sa tulong ng ating ama at biyaya ng Panginoon).
Doon sa loob ng sinapupunan tayo magisismulang maging magkakaiba hanggang sa dumating yung takdang panahon ng ating paglabas sa mundo. Kung noon walang mahirap at walang mayaman, ngayon meron na. Swerte mo kung sa mayaman o may kayang pamilya ka mapupunta dahil hindi mo mararamdaman ang kalupitan ng mundo. Malas ka naman kung sa mahirap na pamilya ka mapupunta dahil siguradong mararanasan mo kung gaano kahirap ang mabuhay.
Pareparehong kapapanganak pa lamang na sanggol pero magkakaiba na agad ang estado sa buhay. Pareparehas na nanggaling sa Panginoon at pareparehas niyang mahal pero magkakaiba ang mararanasang buhay.
Katulad lang yan ng lapis. Sabay sabay silang ilalabas sa factory at dadalin sa mga tindahan. Tapos kapag binili mo ng wala pang tasa, halos pantay – pantay yan. Kaunti lang ang diperensya sa haba at minsan nga ay magkakapantay pa. Pero kapag inumpisahan mong tasahan, nagiging magkakaiba na ang kanilang mga sukat. Yung iba laging napuputol at yung iba naman isang subok lang ok na agad. At ang resulta, pareparehong bago ang lapis mo pero magkakaiba ang haba.
Ikaw kasi ang lalabas na Diyos ng mga lapis mo at nasa kamay mo ang kanilang magiging kapalaran. Puwedeng magamit mo ng lubusan hanggang sa hindi mo na halos mahawakan ang lapis mo at pwede din namang mawala mo ito. Tulad ng buhay ng tao, hindi natin alam kung kelan tayo mawawala o kung tatagal ba tayo sa mundong ito. Isa lang ang masisigurado ko, pareparehong tayong mamamatay.
Ganyan ang buhay, hindi patas. Pero hindi natin siya masisisi dahil mas alam niya kung ano ang tama. Mayroon kasi siyang mga plano para sa atin at kung ano man iyon, siya lang ang nakakaalam.
One Hudred Days na lang PASKO NA!!!!
Nagumpisa na naman pala ang taunang countdown hanggang pasko.
- Magkakabit na ng kanikanilang mga dekorasyon ang ibang mga tao.
- Mamimili na ng mga damit para sa pasko ang iba.
- Untiunti nang magpapa makeover ang iba para presentable sila sa pasko.
- Mamimili na din ang iba ng mga panregalo.
- Magseset na ng isang malaking family reunion ang mga magkakamag-anak.
- Magiisip na ang iba kung anong kakainin nila sa kaarawan ni Kristo.
- Magiipon na ang iba para may maibigay silang aginaldo.
- Maguumpisa nang mangaroling ang mga bata.
- MagkakaPUTUKAN na din kasi after 7 days Bagong Taon na.
Pero dahil sa countdown na ito, tila lalong bumibilis ang pagdating ng araw ng Pasko. Para kasing masyadong mabilis lumipas ang mga araw lalo na kapag binibilang. Pansin niyo ba??
Sino ang tunay na Demonyo?
Ang sabi sa BIBILIYA ay si Satanas, na kilala din bilang Lucifer, ang tunay na DEVIL. Si Satanas na dating isa sa pinakamagiting na anghel ni Lord. Ngunit ng siya at ang kanyang mga nahikayat na iba pang anghel ay magsimula ng giyera laban sa Panginoon, tinalo at itinapon siya ni San Miguel sa Impyerno. Siya din ay tinaguriang “fallen angel” dahil nga sa pangyayaring ito. Siya ay isang taong masama, kulay pula na may hawak na malaking tinidor at mayroong buntot. Sa kanya daw napupunta ang kaluluwa ng mga taong naging masama noong sila ay nabubuhay pa para pahirapan.
Totoo nga ba si Satanas? May nakakita na ba sa kanya? Baka naman nilikha lamang ito nung mga nagsulat ng Bibliya upang matakot ang sambayanan na gumawa ng mga masasamang bagay?
At dahil sa konklusyon kong iyan ay napagtanto ko na, hindi si Satanas, PERA ang tunay na demonyo. Pera, na kinakailangan ng bawat tao araw – araw upang mabuhay. Tama, pera ang tunay na demonyo. Bakit ko nasabi? Ito ang ibang mga dahilan:
- Kakulangan sa salapi o kahirapan ang naguudyok sa mga holdaper, snatcher, magnanakaw at iba pa para sila ay gumawa ng krimen. Minsan ay kawalan din ng sapat na pera ang nagiging dahilan para mag – adik ang isang taong mahirap o di kaya naman ay magtulak ng ipinagbabawal na gamot. Minsan pa ay may mga bata ding naiimpluwensiyahan ng mga ganitong krimen. Mga kumakalam na sikmura ang dahilan kaya sila ay nagiging desperado, hindi dahil nabulungan sila ni Satanas.
- Madaming gustong maging politiko dahil marami silang mahahawakang pera. Kung minsan pa ay ibinubulsa ang iba. Kaya usong – uso ang korapsyon ngayon. Bakit nga ba sila magsasayang ng sangkatutak na salapi kapag eleksyon kung di din naman nila yun mababawi? Syempre, automatic na yun, babawiin nila ang ginasta sa kaban ng bayan na dapat ay para sa mga mahihirap. Hindi man lahat pero karamihan sa kanila ay ganun ang ginagawa at hindi na yun lingid sa ating mga kaalaman.
- Nagaaway – away ang iba’t ibang mga nasyon dahil sa pera. Gusto nilang maging makapangyarihan. At kapag nangyare yun, sila ay magiging mayaman. Wala silang pakialam kung anung pwedeng mangyare sa mundo. Tulad na lang ng nangyare sa WWII, pati na rin sa pananakop ng mga Espanyol sa iba’t ibang lugar sa mundo noong unang panahon.
- Yung mga hindi makatarungang pagsira sa ating mga kalikasan ng mga mapanamantala. Pera din ang dahilan kung bakit nila yun ginagawa. Isama mo na ang ilegal na pagpatay at pagbebenta mga hayop lalo na yung mga endangered species.
Lahat ng mga nabanggit ko ay ginawa ng mga tao ng walang ibang nag – uudyok sa kanila kundi pera. Ginusto nila iyon para kumita o maging makapangyarihan. Hindi sila nilapitan ni Satanas o naihipan ng masamang hangin. At ang mga binanggit ko ay iilan lamang sa mga nagpapatunay na Pera ang totoong demonyo at hindi si Satanas.
Ganunpaman, hindi ko tinututulan ang Bibliya. Nananatiling malakas ang aking pananampalataya bilang isang Katoliko. Hindi ito nabawasan ng kahit katiting.Mahal ko ang Diyos at mahal din niya ako.
Camera na lang ang iregalo mo sa kaarawan ko.
Camera na lang
ang iregalo mo sa
kaarawan ko.
Pag - aaral = Torture
Panira talaga ng panunuod ng tv or pagkakaron ng leisure time ang pag – aaral. Imbis kasi na nagpapakabusy ka sa mga iba’t ibang non – academic na bagay, napipilitan kang magbuklat ng libro at gumawa ng mga assignment, projects at ng mga kung anu – ano pang pahirap sa pag – aaral. Hindi ka makapagpahinga ng maayos. Hindi ka makalabas ng bahay para maggala. Basta, madami kang hindi magagawa kapag nag – aaral ka.
Una sa lahat, bakit pa kasi nila inimbento ang mga pinag – aaralan natin ngayon? Wala ba silang magawa noong mga panahon na iyon kaya nila pinagsikapang tuklasin ang mga ito? Iniisip din kaya nila noon kung saan nanggagaling at kung sinong henyo ang nagimbento ng mga tinuturo sa kanila na nagpapahirap lang ng kanilang mga buhay?
Pangalawa, ano kaya ang mga pinag – aaralan nila noon at nagkaroon sila ng mga ideya para matuklasan nila ang mga pinag – aaralan natin ngayon? Kung sila ang nakatuklas ng isang ganitong bagay, saan nila nakuha ang kaalaman para malaman yun kung walang nagtuturo sa kanila ng mga basics? Sadya lang kayang henyo at matalino sila?
Pangatlo, saan nanggaling yung mga tinuro sa kanila ng kanilang mga guro? Inimbento din kaya ito ng mga matatalino noong bago pa ipanganak ang mga kilala nating henyo?
Pang – apat, kung wala pang mga kumplikadong aralin noon, ang ibig sabihin ba nito ay mga bobo ang mga tao noon? Masasabi ba natin na mas matalino tayong nabubuhay sa panahon na ito dahil mas madami tayong pinag – aaralan na hindi nila naaral noon?
Ay ewan,naguluhan na ako. Ang gulo ng isip ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kelangan pang pag – aralan ang mga sobrang kumplikadong bagay na nagpapahirap lang sa buhay ng bawat tao.
Hindi ko naman magagamit ang pagkokompyut ng puwersang ineexert ng aking mga paa sa lupa sa tuwing ako ay maglalakad. Hindi ko rin naman kokompyutin ang speed ko kapag naglalakad ako o tumatakbo. Wala din namang magsusukli sa akin ng (6+1.5i) raised to 1/9 at hinding hindi rin naman ako magbabayad ng ganyan. Kapag may ibinato akong papel sa basurahan kapag nagsosolve ako at nagkamali, hindi ko naman kokompyutin ang trajectory, velocity at acceleration nito.
Pwede naman kasing walang mga ganun. Sino ba kasing nakaimbento ng mga ganung bagay? Tapos dadagdagan pa ng mga tortuting paraphernalia na tulad ng mga homeworks, projects, thesis at lalong lalo na yung exam. Grabe siya magpahirap. Dapat siya o sila na gawaran ng pagkilala dahil napahirapan nila ang buhay ng isang normal na taong katulad ko.
“HHHNNGGGGG!!!!” Syet talaga. Ang hot ni Solenn...

“HHHNNGGGGG!!!!”
Syet talaga. Ang hot ni Solenn Heusaff. At yung side boobs niya, “super HHHNNNGGGGGGGGGGG!!!”
Eskuwelahan
Diyan ako naglaan ng apat na taon ng buhay ko sa eskuwelahang iyan noong ako ay nasa Highschool.
Ang eskuwelahan kung saan tayo ay nagaaral ay maihahalintulad sa isang bansa. Isang bansag may pinuno at ang mga alagad nito. Isang bansang may mga batas na ipinapatupad sa loob nito na dapat sundin. Isang bansang may mga awtoridad na tagapagpatupad ng mga batas. Isang bansang may nasasakupang lugar kung saan iikot ang sariling sistema. At higit sa lahat, isang bansang may mamamayan na nakakulong sa apat na sulok ng silid - aralan.
Pagtutuunan ko ng pansin ang mga mamayan sa loob ng eskuwelahan, ang mga estudyante. Maraming estudyante sa buong mundo at mayroon silang iba’t ibang katangian. Walang estudyante ang magkaparehas maging sa pisikal man o sa panloob na kaanyuan. Maaring iisa ang inyong trip pero hindi ibig sabihin nun ay parehas na kayo. Kahit kambal pa yan, may pagkakaiba pa din sila.
Tulad ng sa isang bansa, bawat tao ay may kanyakanyang pagkakakilanlan. Magkakaiba ang estado sa buhay. Laging may nakakalamang at may nalalamangan. Hindi pantay pantay kung titignan kahit pareparehas naman tayong likha ng Diyos sa tulong ng ating mga magulang.
Kapag mahirap ka, madalas ikaw ay nayuyurakan ng mga nasa tuktok. At kapag nasa tuktok ka naman, madalas ay lumilipad ka na sa sobrang pagmamataas mo.
Bakit hindi tayo matutong maging mapagkumbaba? Subukan nating makibagay sa bawa’t isa. Hindi porke nakaaangat ka ay Diyos ka na. Sa ganitong paraan tayo magkakasundo. At kapag nagkasundo tayo, ito ay magdudulot ng pagkakaisa. Pagkakaisa na kailangan ng bansa para makaahon sa kahirapan.
Magtulungan tayo. Kapag nakaangat ka, magsama ka ng iba. Hindi yung sosolohin mo ang ginhawa. Mamahagi ka ng grasya para sumaya naman ang iba. Kumbaga, tayo ay magdamayan.
Alam ko na mahirap gawin ang mga ito. Pero walang mahirap sa taong nagsusumikap. Pilitin nating magkaroon ng iisang laban para naman gumanda ang ating kinabukasan. Kapag nangyari yun, tiyak na kikilalanin tayo sa buong mundo hindi bilang isa sa mga pinaka corrupt na bansa kundi isa sa mga mauunlad na lipunan.
Mas maliit at mas kaunti ang populasyon ng isang eskuwelahan kung ikukumpara. Pero marami silang pagkakapareho at ang mga bagay na meron sa isang buong bansa ay makikita mo din sa eskuwelahan. Dahil ang nangyayari sa paaralan ay nangyayari din sa tunay na buhay nating mga Pilipino. Hindi nga lang ganun kalala pero ito ay maliliit na halimbawa ng tunay na nangyayari sa ating bayan.
Isa lang ang gusto kong sabihin sayo. Huwag sana nating kalimutan ang katotohang lahat tayo ay nilikha ng Diyos at pantay pantay tayo sa kanyang mga mata.
Huwag kang magmamataas dahil baka pagdating ng araw ay magsisi ka.
Hassle sa ENTRANCE
Alam mo ba yung hassle kapag pumapasok ka sa mga pampublikong lugar na walang automatic metal detector? Eh yung abalang nagagawa nito?
Oo nga’t kagustuhan nilang maging ligtas ang sangkatauhan pero hassle talaga. Pipilitin kang bulatlatin ang bagahe mo gamit ang drumstick. Kapag hindi ka pumayag, di ka makakapasok.
At isa pa, masyado itong time consuming lalo na kapag maraming dala ang isang tao. Lahat iinspeksyunin. Kahit balot na balot ng packaging tape ay papabuksan pa din. Walang konsiderasyon kaya malimit ay mahaba ang pila sa mga entance.
Alam kong sumusunod lang ang mga guwardiya sa kanilang S.O.P. at alam kong trabaho lang din nila yun kaya hindi tayo dapat mainis.
Pero kung yung “GARRET” lang sana ang gamit ng mga guards upang maiwasan ang ganung mga bagay.
Wala ng hassle, wala pang kapagod pagod. Itatapat na lamang at madedetect na kung may bomba ka sa bagahe o ng kahit anu pa mang metal na harmful para sa mga tao. Hindi na din magmumukhang TOLL GATE ang entrance ng mga pampublikong lugar.
"Hindi ko naman hiniling sa’yo na mahalin mo din ako pero sana naman ay tinanggap mo ang..."
- Taong PINAASA (kawawa lang)
Usapang Gulo
Tita: Hindi. May gulo lang dyan mamaya sa may kanto.
Ako: Ay WOW! Nakaschedule ang trobol.
*laughs*
Can't Solve
lumang url ko pa yung nasa picture. hahaha
Sa buhay ng isang tao, maraming problemang darating. Merong mga problemang akala mo ay hindi na masososlusyonan. Meron din namang mga problemang binabalewala na parang hindi naman talaga problema. Meron ding problema na hindi naman talaga problema pero ikaw lang ang gumagawa ng dahilan kaya ito nagiging problema.
Ganyan kalupit ang buhay. Pero hindi dahil may problema ka, magpapakamatay ka na o kaya ay magpapakalulong sa alak. Kapag pakiramdam mong “can’t solve” na, umisip ka ng ibang paraan. Kapag nakaisip ka na ng paraan, tsaka mo ito subukan. Kapag ganun pa din, kausapin mo lang ang Panginoon at baka sakaling matulungan ka niya.
Parang sa Scientific Calculator. Kapag “can’t solve” ang lumabas, hindi ka dapat tumigil sa pagsosolve. Dapat tignan mo kung anong mali mo atsaka mo ito ayusin. Kung naayos mo na at ganun pa din, huwag kang mahiyang humingi ng tulong. Nandiyan ang mga seatmates (cheatmates) na laging handang tumulong sayo. Maging mabait ka nga lang dapat para di sila mawalan ng ganang tulungan ka.
Ikaw, kapag ganito ang lumabas sa scientific calculator mo ipinagpapatuloy mo pa ba ang pagsosolve? Eh kapag nagkaroon ka ng problema na ang pakiramdam mo “can’t solve” na, ipagpapatuloy mo pa ba ang buhay mo?