Quantcast
Channel: Magbasa ng Matuto
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Sana,

$
0
0

nabuhay na lang ang lahat ng tao ng ayon sa gusto nila para wala kang maririnig na reklamo

Ang hilig hilig kasi magreklamo ng mga tao eh. Sala sa init sala sa lamig. Hindi tayo marunong makuntento. Ang dami nating gusto.

Puro tayo:

  • Sana ganyan din kami.
  • Nakakainggit naman kayo.
  • Sana may ganyan din ako.
  • Sana pogi/maganda din ako.
  • Bakit sila ganyan, kami hindi?
  • Ang swerte niyo naman.
  • Sana mamatay na tayo(joke lang).

Lahat na lang gusto natin makamit kahit na alam naman natin na walang tyansa o imposible talaga. Nangangarap tayo masyado tapos pag hindi natin naabot ang mga pangarap natin isisisi natin sa Diyos.

Bakit di nating subukang babaan ng kaunti ang mga pangarap o gusto natin para mas madaling makuha?

Hindi ko naman sinasabi na huwag na tayong mangarap ng mataas kasi wala namang masama dun. Minsan lang kasi yung mga gusto natin eh talagang suntok sa buwan para mapa sa atin. Eh kung abot kaya ito, edi madali lang makamit.

Ipagpasalamat na lang natin sa Diyos ang kung anong meron tayo ngayon kasi yung iba nga diyan talagang walang wala pero masaya pa din.

Kahit wala silang bahay, kahit wala silang pagkaen, kahit hindi sila nakakapag – aral masaya pa din sila. Masaya sila kasi kahit hindi nila nakamtan ang mga pangarap nila, nandito pa din sila sa mundo at nabubuhay pa. Pero syempre meron din namang nagrereklamo. Hindi natin sila masisisi kasi talaga namang mahirap ang sitwasyon nila.

Hindi katulad natin na may maayos namang buhay kahit papano pero puro pa din reklamo. What more kung naging ganun ang sitwasyon natin? Baka pati demonyo sisihin na natin kasi hindi niya tayo tinuruang gumawa ng masama para magkaroon ng maayos ayos na pamumuhay.

Ang akin lang naman eh, matuto tayong MAKUNTENTO. Makuntento tayo sa mga bagay na ibinigay sa atin ng Panginoon.

Ito ay opinion ko lamang po kung kaya’t sana ay huwag niyo pong masamain. Irespeto po natin ang  isa’t isa.

Mabuhay ang LAHAT!!! =)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Trending Articles