Quantcast
Channel: Magbasa ng Matuto
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

INCEST

$
0
0

Bale ito yung pakikipagtalik sa kamag – anak mo. Maaring ikaw at ang magulang mo. Ikaw at ang kapatid mo. Ikaw at ang pinsan mo, ang tito/tita mo. At ang pinakakadiri ay yung ikaw at ang lolo/lola mo. Basta hanggang 3rd degree na kamag – anak ay incest pa din ata yun kasi kapag 4th degree na pwede mo na maging asawa eh.

Matagal na din kasing uso yang incest na yan. Ewan ko ba kung bakit gustong gusto nila na kamag – anak ang kasex nila. Siguro mas masarap or mas challenging. Basta malay ko diyan, di ko pa naman naranasan dahil nakakadiri.

Pero alam niyo ba na yang pinandidirihan niyong incest eh siyang nagbigay ng buhay sa ating lahat? Bakit kamo?

Kasi kung nagbabasa kayo ng Bibliya o kung nabasa niyo na ang kahit unang libro lang nito na “Genesis”, nasasaad dito na nagkaroon ng anak sina Eba at Adan at yun ay sina Cain, Abel at Seth na pareparehong lalake. At dahil nga na sina Eba at Adan ang unang tao sa mundo, sila din ang tinatawag na unang pamilya kaya saan nanggaling ang napangasawa ng kanilang mga anak?

Dito na papasok ang pagiging incest nila. Hindi lang kasi yung tatlo ang naging anak ng dalawa. Marami pang sumunod sa kanila dahil 930 years na nabuhay si Adan kaya imposibleng tatlo lang ang magiging anak nila lalo na’t wala pa namang gaanong libangan noon. Nagkaroon din sila sigurado ng anak na babae at sa aking palagay, yun ang inasawa ng mga anak nilang lalaki. At iyon nga ang unang kaso ng “incest”.

Kung titignan kasi, pag nagkaanak si Cain at kapatid niyang babae, yung magiging anak nila eh kamag – anak pa din ang mapapangasawa. So incest yun diba? Hanggang sa maging 4th degree na kamag – anak na yung mapapangasawa nila tsaka lang mawawala ang pagiging incest nila.

Basta yun na yun. Kasi naman ang utos lang ng Panginoon dati ay “humayo kayo at magparami”. Wala naman sinabi na bawal ang kamag – anak kaya pwede siguro ang incest dati. Sumunod lang naman ang angkan ni Eba at Adan sa utos ng Diyos.

Kaso ngayon bawal na dahil nakasaad sa batas natin. Tsaka marami ding abnormalidad o meron abnormalidad na nagaganap sa nagiging anak ng dalawang malapit na kamag – anak kaya siguro ipinagbawal.

Tandaan, bawal o masama ang pakikipagtalik sa kamag – anak. Hanap na lang kayo ng mapapangasawa niyo na hindi niyo kaano – ano.

Hindi ko pala ginagago ang simbahan at lalo na ang Bibliya dahil ako ay isang tapat na tagasunod ng simbahang Katoliko. Opinyon ko lang naman ito na nanggaling din naman sa tiyuhin ko. Tinanong ko kasi siya dati kung saan galeng ang napangasawa ng mga anak ni Eba at Adan kasi naguluhan ako noon sa bible. Yan ang sagot niya, marahil daw ay mga kapatid din nila ang kanilang inasawa.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Trending Articles