Quantcast
Channel: Magbasa ng Matuto
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Pinakamahal na Pop Cola

$
0
0

Gusto mo ba ng malamig na POP COLA na tigsasais pesos? Masarap ito diba? Pamatid – uhaw. Pero kung Sampung piso ang isa nung tigsasais na POP COLA bibili ka pa ba? Seriously, yan ang naitanong namin sa aming mga sarili kahapon.

Dahil kami ay nauhaw sa kalalakad, bumili kami sa tindahan sa likod ng Pulang Building na malapit sa may LETRAN sa loob ng INTRAMUROS MANILA ng gintong POP COLA. Nagiisa lang ang tindahan na iyon at parang cart lang kaya madali itong matatagpuan. Plus, nagtitinda din sila ng barbeque. And honestly, ginto talaga ang POP COLA nila doon pati na yung PEPSI na nagkakahalagang 10 and 12 pesos respectively.

Nakakagulat. Grabe sa tubo. Hindi pa ganung kalamig. Hindi satisfying. Hindi sana kami bibili, pero no choice talaga. Uhaw na kami at yun lang ang nakita naming tindahan(tinamad lang talaga maghanap ng iba).

Pagkatapos ng maikling break ay ipinagpatuloy na naming magbabarkada ang pagiging TOURIST sa aming sariling BAYAN. Walkathon na naman pero hindi na kami nauhaw muli. Ang mahal ng POP eh.

Yun atang lupang kinatatayuan ng pulang building na tinutukoy ko ay dating pwesto ng University of Santo Tomas nung nasa INTRAMUROS pa ito. Panu ko nasabi? May nakalagay kasi sa may gilid ng naturang building na “once stood here blah blah blah…..,UST”.

Kung tagaLETRAN ka o kaya ay madalas ka sa INTRAMUROS ay alam mo na siguro kung saan itong tinutukoy ko. =)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Trending Articles