Quantcast
Channel: Magbasa ng Matuto
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Ano ang KALAGAYAN ng Pilipinas?

$
0
0

Ipinasa ko ang post na ito sa aking professor noong nakaraang nakaraang sem. Hindi ko alam kung ano ang grade ko pero sana ay mataas. Basahin niyo na lang at kayo ang humusga. Bigyan mo ko ng grade para dito pwede?

Batay sa aking obserbasyon, ang Pilipinas ay naghihikahos ngayon. Pero bakit nga ba nagkaganito ang aking sariling bayan? Ang sagot ay hindi ko din alam dahil namulat ako sa mundong ito na ganito na ang sitwasyon. Ewan ko lamang noon. Pero ang sabi ng lola ko sa akin ay maayos naman daw noon at hindi katulad ng pamumuhay ngayon.

Si FVR pa ang presidente ng ako ay isilang sa mundong ito at syempre wala pa akong pakielam sa mga nangyayare noon dahil di ko pa naman naiintindihan ang mga ito. Pero alam ko na turismo ang kanyang pinunterya. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang naglunsad ng “Pilipinas 2000” na naglalayong palawakin ang turismo sa bansa. Hindi ko nga lang alam kung naging matagumpay siya sa proyektong iyon bago matapos ang kanyang anim na taong termino.

Dumating ang panahon ni ERAP, wala pa din akong pakielam pero naging pro ERAP ako noon dahil na rin sa mga tao sa bahay. Malaki ang naging impluwensiya ng mga kasama ko sa bahay sa aking kaisipang pangmundo. Ayos lang sa kanila na gawing legal ang “jueteng” dahil madami naman daw itong matutulungan kaso hindi pinayagan ng senado kaya na kick – out sa Malacañang si Erap. Pero ngayon pinag – aaralan na naman ang “jueteng”. Kung magiging legal man ito, ginawa lang tanga ng mga nagpatalsik kay Erap pang kanilang mga sarili.

Pumalit si GMA. Dito na ko nagsimulang mamulat sa pamamalakad ng ating walang kwentang GOBYERNO. Kabilaan ang kahayupang ginawa ng duwende sa palasyo. Hindi ko na iisaisahin pa ang mga ginawa niya. Alam na natin lahat ang ito. Kabilaan ang kanyang pagpapasasa gamit ang pera ng sambayanan. Sa loob ng kanyang sampung taong pag – upo, hindi ko man lang naramdaman ang pag – unlad ng bansa. Parang lalo pa atang lumubog sa utang. Pero may mga magandang proyekto din naman ang loka – loka na pinapakinabangan ng mga tao ngayon.

Mabuti at pinalitan na siya ni PNoy na naguumpisa pa lamang ayusin ang gusot na nagawa ng mga nakaraang administrasyon patungo sa tuwid at mabilis na daan (sana nga at ganon).

At dahil sa mga naganap na kapalpakan sa ilalim ng pamahalaang Arroyo na nagpalala sa kahirapan ng bansa, ang Pilipinas ngayon ay lalo lamang nalubog. Isang bansang malala ang kahirapan. Isang bansa kung saan sandamakmak ang naghihirap at kakaunti ang lumalangoy sa kayamanan. Isang bansa kung saan hindi lahat ng isinilang dito ay may sariling pag – aari (maliban sa kanyang sariling “ari”). Isang bansang pinangangakuan na hindi naman tinutupad ng mga nangangako. Isang bansang nagpapaloko sa iba’t ibang uri ng panloloko. At higit sa lahat, isang bansang mahirap at lubog sa utang na lalo lang nadadagdagan ngunit hindi naman nararamdaman ng taong bayan.

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na marami talaga ang naghihirap sa ating bansa ngayon. Maraming walang tirahan. Marami ang walang trabaho. Marami ang hindi nakakapag – aral. Ang masaklap pa dito ay kung sino pa yung mga walang wala sa buhay ay sila pa itong maraming anak. Lalo na yung mga nakatira lang sa lansangan, ang dami dami nila. Halos sunud – sunod pa ang agwat sa edad ng mga bata. Kung iisipin, ano pa ang kakainin ng mga batang ito eh wala ngang trabaho ang kanilang mga magulang? Eto namang mga magulang na to, alam na nga nilang wala silang ipapakain sa mga anak nila, gawa pa ng gawa ng bata. Pinapalobo lang nila ang populasyon ng bansa at lalo lang madadagdagan ang mga mahihirap.

At dahil sa kahirapan o kakulangan sa salapi, dumarami ang mga krimen. Pera ang naguudyok sa mga holdaper, snatcher, magnanakaw at iba pa para sila ay gumawa ng krimen. Minsan ay kawalan din ng sapat na pera ang nagiging dahilan para mag – adik ang isang taong mahirap o di kaya naman ay magtulak ng ipinagbabawal na gamot. Minsan pa ay may mga bata ding naiimpluwensiyahan ng mga ganitong krimen. Mga kumakalam na sikmura ang dahilan kaya sila ay nagiging desperado, hindi dahil nabulungan sila ni Satanas.

Marami ding mga mapanamantala. Pinagsasamantalahan nila ang kahinaan ng mga mahihirap. Nandiyang papautangin nila pero ang laki naman ng tubo na lalo lamang magpapahirap sa mga nangungutang. Ngunit ano nga ba ang magagawa kung kumakalam na ang sikmura?

Isa pa, napakapalpak ng gobyerno naten. Punong puno ng mga korap. Puro under the table kaya ang resulta ay ang lalong paglubog ng bansa. Ginagamit ng mga politiko sa pansariling pangangailangan ang pera ng bayan. Ginagamit nila sa eleksyon ang nakurakot nila. Kung minsan naman ay tatakbo sa eleksyon at kapag nanalo ay tsaka babawiin ang nagastos. Hindi naman lahat ng politiko ay ganun pero MERON.

Problema din sa gobyerno natin ang makupad na pagpoproseso ng mga dokumento kaya tumatagal at humahaba ang pagpila ng mga tao sa mga himpilan ng pamahalaan. Kung minsan naman ay wala ang tao na dapat mong puntahan. Parang yung naranasan ko nung bakasyon sa pagkuha ng baranggay clearance.

Hindi din nananaig ang tunay na hustisya sa ating bansa. Maraming naaabsuwelto sa kanilang kaso kahit na sila ay tunay na may kasalanan. Dinadaan sa pera. Binabayaran ang korte para makalusot sa kaso. Tapos ang ending, kawawa yung nabiktima lalo na kung mahirap na walang pambayad.

Dito din sa bansa natin, maraming dayuhan ang nagmamay – ari ng mga malalaking kumpanya o di kaya ay may malaking investment sa isang malaking kumpanya. Kaya ang nangyayari, sila ang yumayaman at hindi ang mga Pilipino. May maganda din namang naidudulot ito. Nakapagbibigay ng madaming trabaho kaso maliit naman ang sweldo. Kulang. Hindi kayang buhayin ng marangya ang pamilya sa sinesweldo nila. Pero ano ang ginagawa ng ating gobyerno? Wala! Dahil tuta ng amerika ang presidente. Kung ano ang sabihin ng amerika, sinusunod.

Sa madaling salita, ang kalagayan ng Pilipinas ay isang bansang gatasan ng mga mayayamang dayuhan at ng mga makapangyarihan. Parang baka na ginagatasan. Parang isang malaking bangko na pwedeng pwede pagkuhaan ng pera kahit na wala namang dineposito.

Sobrang daming problema ng ating bansa. Baon sa utang. Sa dami ng utang ng Pilipinas, yung mga bagong panganak na Pilipino ay may utang na agad. Lubog na lubog na talaga ang Pilipinas. Sana magawan ng paraan ni PNoy. Kaso ngayon pa lang puro problema na ang dumadating. Di bale, may limang taon pa naman siya sa kanyang termino.

Kelan ba mababawasan ang problema ng Pilipinas? Kelan ba uunlad ang Pilipinas?


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Trending Articles