Iginuhit ko ang MASTERPIECE na ito nung ako ay nasa 4th year high school. Ang tema ng seatwork namin ay ang pagguhit ng iyong “Dream House”. Pero dahil sa kakulangan ko sa abilidad sa larangan ng pagguhit, hindi ko nagawang maiguhit ang aking dream house kaya ganyan na lang ang aking ginawa.
Kung bakit kasi hindi ako nabiyayaan ng talent sa ganyang larangan.Tsaka hindi pa naman pumapasok sa utak ko nun ang mga ganung bagay kaya wala din akong ideya. Dream room lang ang gusto ko noong mga panahong iyon.
Gusto ko kasi yung kwartong spacious. Parang yung kwarto ni Shia Labeouf sa pelikulang Disturbia. Yung ganun kalaking kwarto ang gusto ko. Kwarto na parang bahay na din. Yung tipong kahit kwarto lang ay pwede na at kahit hindi ka lumabas ng kwarto ay mabubuhay ka. Basta yung ganun uri ng kwarto. Sino ba naman ang ayaw ng ganun kalaking kwarto diba?
Pero sa kasamaang palad ay wala akong ganung kwarto. Hanggang dream na lang ata talaga. Maliit lang kasi ang aming bahay at hindi naman kami mayaman.
Kung hahantayin ko naman na magkapera ako ay hindi ko na rin siguro yun maeenjoy dahil hindi ko magagamit ng madalas ang aking kwarto. Nagtatrabaho na ko nun eh. Maganda lang yung ganung kwarto sa mga teens – early 20’s ang edad. Ganung edad kasi yung madalas nasa kwarto lang at kung anu – anu ang ginagawa.
Sana talaga magkaroon ako ng ganung kwarto habang 19 years old pa lang ako. Sana tumama na sa lotto si lola para magkaron na ng malaking bahay at malaking kwarto.
Muntik na nga palang hindi tanggapin ang likha kong iyan ng aking TLE teacher. Mabuti na lamang at pumayag siya sa sinabi ko na kahit 75 na lang ang ibigay niyang grade sa akin tanggapin lang niya. Sira na din ang aktwal na Masterpiece kong iyan. Sinira ng kapatid ko. dinagdagan niya ng mga kulay na hindi naman naayon at basta lagay lang ng kulay. Ayun tuloy, nabugbog ko siya. Mahal na mahal ko kasi ang drawing ko na yan kahit panget at mukhang pang prep.
Ikaw, anung masasabi mo sa LIKHA ko?