Quantcast
Channel: Magbasa ng Matuto
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Chick Flicks

$
0
0

Uso mga chick flicks na movie ngayon diba? Maganda naman kasi talaga. Single ka man o double (may karelasyon) eh pwedeng pwede ka talaga manuod at makakarelate ka talaga. Nakakainlove kasi. Lalo na kapag maganda/gwapo ang bidang artista. Plus yung storyline pa. Yung tipong uulit ulitin mo.

Pero may kagandahan at kapangitan din ito. Syempre hindi lang puro kagandahan. At ito ang ilang sa mga kapangitan:

  • Paulit - ulit

Totoo to. Minsan paulit ulit na lang ang nagyayare. Kasi sa sobrang dami ng mga ganitong klase ng pelikula eh halos wala ng maisip ang mga script writer. Lalo na kapag pinoy movie. Halos parehas na yung mga istorya. Buti na lang at may mga malulupit pa ding mga scriptwriter na nabubuhay.

  • Masyadong nakakakilig

Dahil dito, yung mga babaeng manunuod eh nageexpect o gusto nila na sana ganun din gawin sa kanila ng boyfriend nila o magiging boyfriend nila. Kumbaga nagiging demanding yung ibang girl dahil sa mga nakita nila sa palabas. Kaya yung ibang mga lalake nahihirapan kasi pano kung pang pelikula lang talaga yung mga ganun bagay diba?

  • Ang daming gimicks

Sa sobrang daming gimicks na pinapakita sa mga ganitong palabas, kaming mga lalake ay nauubusan na ng mga sariling pakulo para manligaw o para mapakilig ang babaeng sinisinta namen. Kapag kasi ginaya mo sa movie yung gagawin mo tapos napanood na pala ni girl yung movie na yun eh parang iba na dating sa kanya. Mas maganda kasi kapag may originality yung gagawin mo para lang mapakilig ang babae. Mas malakas ang tama nun eh.

  • Nakakaiyak

Yung mga ibang palabas na ganito eh sadyang nakakaiyak. Yung tipong ang saya - saya na ng araw mo kasi kasama mo mahal mo tapos pag - uwi mo manunuod ka ng ganitong movie na papaiyakin ka. Bad vibes lang. Tapos hindi mo pa mapigilan kasi talagang tinatamaan ka sa mga nangyayare sa pelikula. Buti na lang hindi mababaw luha ko.

  • Mapapabalik tanaw ka

Minsan sa sobrang ganda ng istorya, marami kang naaalala. Kasama na dun yung mga maliligayang araw niyo ng ex mo or yung mga naging ka MU mo dati na wala naman nangyare. Tapos bigla ka na lang mapapaluha kasi nga naalala mo yung mga dating katamisan niyo ng mahal mo na pinanghihinayangan mo at sana ay nanatili na lang kayong ganun.

So ayan, ilan lang yan sa mga napapansin ko kapag nanunuod ako ng mga chick flicks. Tsaka sa mga reviews at comments na din ng ibang mga tao tungkol sa napanuod nilang ganun.

Iba naman kasi talaga ang tama kapag dinibdib mo ang panunuod eh. Marami kang marerealize at matututunan.


    Viewing all articles
    Browse latest Browse all 1218

    Trending Articles