Hindi talaga ako nagutom ngayong araw. Maski kaunting pagtunog ng tyan wala akong narinig. As in puro kaen lang ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit madaming pagkaen ngayon sa bahay. Siguro dahil kaarawan ni Rizal.
- 10 am nagalmusal ako. Ang dami kong nakaen kasi ang sarap ng ulam. Longganisa, daeng na biya at itlog tapos yung sinangag eh parang chao fan.
- 1 pm na ako nagtanghalian kasi talagang nananakit tyan ko sa sobrang kabusugan. Sinigang na baka at fried siomai naman ang ulam.
- 4 pm naman ako nagmeryenda pero kahit busog pa ko kumaen pa din ako. Pizza naman tsaka pancit na canton (hindi yung instant ha) at cake.
- 7 pm ako nag dinner. Talagang sasabog na tiyan ko sa point na to. Pero kumaen pa din ako ng marami. Inihaw na bangus ang ulam ko at ako ang nag ihaw nito.
Napansin ko lang. Puro 3 hours ang interval ng pagkaen ko. Hindi ko sinadya yan. Nagkataon lang. Pero parang hindi talaga ako natutunawan agad. Siguro kasi mabagal ang metabolism pag malamig. Di kasi pinagpapawisan eh.
Haaay, tapos ngayon nagtatumblr lang ako. Ay nako. Hindi talaga ako matutunawan nito. Huwag lang sanang maimpacho.
Goodevning guys. Happy birthday ulit Rizal.