Quantcast
Channel: Magbasa ng Matuto
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Bolero/a Ka

$
0
0

Madalas nating marinig ang mga katagang iyan kapag may pinupuri tayo. Pwedeng papuri sa itsura, ugali at talento. Nasasabihan tayo ng bolero/a kapag ganun ang eksena. Minsan nga may kasama pang “weh” at “ulul” eh. Minsan hindi din natin alam kung hindi talaga sila naniniwala o hindi talaga kapanipaniwala. May mga tao din kasi na sadyang bolero/a.

Lalo na sa babae o lalakeng natitipuhan mo. Sila yung mga madalas magsabi ng ganyan eh. Ayaw nilang maniwala. Oh ayaw lang nilang magpabola? Mahirap na din kasing maniwala o magtiwala ngayon. May mga naiinlove kasi sa mga pambobolang yan kaya nag-iingat lang din siguro sila.

Pero sana naman eh maniwala din sila minsan diba? Lalo na kapag seryoso at sincere ka sa pagpuri mo sa kanila. Kasi hindi mo din naman sasabihin yun kung hindi totoo eh. At siguradong alam din naman nila yun sa sarili nila. Ayaw lang siguro nilang magmukhang mayabang o di kaya naman eh mababa lang ang self-confidence nila kaya panay tanggi lang sila.

Basta kung may pupurihin ka, siguraduhin mo lang na totoo unless nang-aasar ka lang. Mahirap din kasi basta pumuri ng isang tao. Baka lumaki ang ulo eh.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Trending Articles