Alam naman siguro nating lahat na may sakit si GMA. Pero ako, hindi ko talaga alam kung anong sakit niya. Basta nakita ko lang yung pictures niya na may brace ata yung likod niya. Siguro sa spinal column. Siguro malulumpo na siya (buti naman). Siguro mamamatay na siya (huwag muna)?
Tapos dahil nga sa sakit na yun eh gustong umalis ng bansa ni GMA kasama ang kanyang napakawalanghiyang kabiyak na si Mike Arroyo. Gusto nilang umalis ng bansa para daw ipagamot si GMA at makakuha ng mas magandang serbisyong medikal sa ibang bansa.
Pero napuno ito ng mga spekulasyon mula sa mga hindi taga suporta ng dating pangulo. Kesyo tatakasan lang daw niya ang mga kaso niya dito. Kesyo hindi na daw babalik si GMA pag nakaalis na ito. Kesyo ganyan, kesyo ganito.
Hindi natin sila masisisi. Ibang klaseng kawalanghiyaan kasi ang nagawa niya eh. At ako mismo ay ramdam ko yun. Pwera lang dun sa PNR ha, love ko yung project niyang yun eh kahit alam kong milyon milyon din ang nakurakot niya doon.
Ang ipinagtataka ko lang din naman kasi talaga eh kung bakit ba kailangan pang lumabas ng bansa para magpagamot? Ang daming magagandang ospital dito na kaya namang gamutin ang karamdaman niya. Nandiyan ang St. Luke’s. Ang Asean Hospital at marami pang iba. Hindi naman nila problema ang pera eh. Dami na nilang nakurakot. Kaya bakit aalis pa? Kung talagang wala silang motibo edi wag na silang umalis. Dito na lang siya magpagamot.
Yun nga lang, pinayagan nang makaalis ng bansa itong si GMA ng korte suprema. Kung bakit? Hindi ko din alam. Siguro ay hindi sapat ang pagtutol ng sambayanan. Napakaswerte niya no? Pinapanigan siya ng tadhana niyang siya mismo ata ang gumawa.
Sana nga pumapanig lang ang tadhana sa kanya. Pero pano kung mamatay na siya kaya pinapayagan na siyang magpakasaya ni Lord? Nako huwag muna.
Oo, huwag muna sanang mamatay si GMA. Huwag muna sana siyang kunin ni Satanas. Oo, tama. Huwag muna.
Kailangan muna niyang pagbayaran ang lahat ng ginawa niyang kawalanghiyaan. Kailangan muna niyang harapin ang mga kasong nakasampa laban sa kanya. Kailangan niya munang makulong sa mga salang ginawa niya. Kailangan niyang maghirap gaya ng pagpapahirap na ginawa niya sa mga Pilipino noong siya ay nakaupo pa. Kailangan muna niyang maranasan ang ipinadanas niya sa ating bansa.
Kaya please Gloria Macapagal Arroyo, huwag ka munang mawawala!