NagkaSYOTA ka na ba? Ilan na ba ang naging SYOTA mo? Oh naging SYOTA ka na ba?
Eh ano nga ba yang SYOTA na yan? Bale ang alam ko, pinoy slang yan eh. Pinoy slang na ang ibig sabihin ay “short time”. Ginagamit ang salitang ito na patungkol sa karelasyon ng isang tao.
e.g. “Tol, syota ko nga pala.” or “Sis, syota ko nga pala.”
ok, ang pangit pala pag babae ang nagsabi. hahahahaha
Bakit ba ginagamit ang salitang SYOTA sa ganung paraan?
Sa totoo lang, hindi ko din alam. Pero base sa depinisyon nito, siguro ay ginagamit ito dahil magiging magkasintahan lang sila sa maikling panahon lamang.
Nakakagago diba? Kasi sandali lang eh. Sayang naman yung pagmamahalan nila. Yung pagliligawan nila. Yung pagiging sweet nila nung mga panahong sila pa.
Pero hindi din naman kasi sa tagal ng pagsasama nakikita kung tunay na nagmamahalan ang dalawang tao. Depende din kasi yun sa naging pagsasama nila. At kahit pa short time lang kayong naging magkasintahan, basta’t punung puno naman ng pagmamahalan ang maikling panahon niyong pagsasama, nakakatuwa pa din yun.
Kaso nga lang parang nakakainis din kung sasabihan ka na SYOTA ka lang niya kasi nga diba alam natin na pang short time ka lang. Parang ang sama lang din pakinggan. Mas maganda pa din kung sasabihin na girlfriend o boyfriend ka. Mas masaya. Tsaka atleast alam mo na hindi ka lang pinagtitripan ng karelasyon mo. Parang may assurance.
Pero minsan masaya din maging SYOTA. Lalo na kung kaya lang niya pinili na maging SYOTA ka niya kasi gusto ka na niya agad maging ASAWA.