Sa totoo lang parang hindi talaga maganda yung pagkapanalo ni Pacquiao ngayon. Kasi mas mukhang nabugbog siya ng husto ni Marquez eh. Putok yung kilay niya at meron din ata sa may labi.
Mas madami din atang tumamang suntok si Marquez. Kaso hindi yun naging sapat para mapabagsak niya si Pacquiao at yun siguro ang ikinatalo niya. Ganda ng mga kumbinasyong binitawan niya. Hindi masyadong makapasok si Pacquiao. Hirap kumbaga.
Nakakabawi din naman ng suntok si Pacquiao eh. Sunud sunod na suntok pa nga. Pero iilan lang ata ang tumama. Panay mintis. Minsan daplis. Pero pag nakatama siya ng isang solid, napapaatras si Marquez. At yun siguro ang nagbigay ng panalo kay Pacquiao. Isa na din dun yung pagiging champion niya.
Ngunit kahit ganun man ang naging resulta. Napakagandang laban talaga ang kanilang ipinakita. Parang akala mo nga eh featherweight pa din silang dalawa kung magbakbakan.
Yun nga lang medyo hindi talaga ako sangayon sa pagkapanalo ni Pacman. Para sa akin kasi eh Draw lang yung laban. Pero saludo pa din ako sa galing niya. Talagang nakakabilib. Wala na yatang maitatapat pa kay Pacman. Heavyweight na lang siguro ang tatalo sa kanya.
Congratulations Manny “Pacman” Pacquiao!
Oh, madami na namang magsasabi niyan na proud to be pinoy sila. =)