From Northern Luzon:
- Pumunta ng Cubao o di kaya’y pumunta ng North EDSA. (see Cubao and EDSA)
From Cubao:
- Sumakay ng kahit anong bus na papuntang Alabang.
- Pagdating ng Alabang, ipagtanong kung saan ang sakayan ng jeep na papuntang ATC.
- Pagkatapos magtanong, sumakay sa jeep at pumara sa may ATC.
From Cubao:
- Sumakay ng MRT mula Cubao hanggang Ayala Station.
- Bumaba ng Ayala station sa gawi ng SM Makati.
- Maghanap ng bus na papuntang Alabang at sumakay dito.
- Pagdating ng Alabang, ipagtanong kung saan ang sakayan ng jeep na papuntang ATC.
- Pagkatapos magtanong, sumakay sa jeep at pumara sa may ATC.
Mamili na lang sa dalawa.
From EDSA:
- Sumakay ng kahit anong bus sa EDSA na papuntang Alabang.
- Pagdating ng Alabang, ipagtanong kung saan ang sakayan ng jeep na papuntang ATC.
- Pagkatapos magtanong, sumakay sa jeep at pumara sa may ATC.
From EDSA:
- Sumakay ng MRT hanggang Ayala Station.
- Bumaba ng Ayala station sa gawi ng SM Makati.
- Maghanap ng bus na papuntang Alabang at sumakay dito.
- Pagdating ng Alabang, ipagtanong kung saan ang sakayan ng jeep na papuntang ATC.
- Pagkatapos magtanong, sumakay sa jeep at pumara sa may ATC.
Mamili na lang sa dalawa.
From Fairview/QC:
- Sumakay ng kahit anong bus na papuntang Alabang.
- Pagdating ng Alabang, ipagtanong kung saan ang sakayan ng jeep na papuntang ATC.
- Pagkatapos magtanong, sumakay sa jeep at pumara sa may ATC.
- Maari ding pumunta muna ng Cubao o di kaya’y EDSA KAMUNING. (see EDSA)
From Makati:
- Pumunta ng MRT Ayala station sa may gawi ng SM Makati.
- Maghanap ng bus na papuntang Alabang at sumakay dito.
- Pagdating ng Alabang, ipagtanong kung saan ang sakayan ng jeep na papuntang ATC.
- Pagkatapos magtanong, sumakay sa jeep at pumara sa may ATC.
- Maari ding sumakay sa PNR. (see PNR)
From Pasay/Bicutan/Paranaque:
- Maghanap ng Bus na papuntang Alabang at sumakay.
- Dun kayo makakakita nun sa malapit sa tollgate ng SLEX.
- Pagdating ng Alabang, ipagtanong kung saan ang sakayan ng jeep na papuntang ATC.
- Pagkatapos magtanong, sumakay sa jeep at pumara sa may ATC.
Maari ding sumakay ng jeep. Alam ko merong mga jeep na diretsong Alabang eh. Pwede din kayong magPNR. (see PNR)
From Taguig:
- Ang alam ko may mga bus na diretsong Alabang sa taguig.
- Pwede din kayong magPNR na lang. (see PNR)
From Marikina/Pasig/Rizal:
- Pumunta ng EDSA. (see EDSA)
From Taft Ave. /Lawton:
- Sumakay nung BUS na erjohn and almark dahil diretsong ATC na yun.
From PNR:
- Bumaba sa Alabang station.
- Mula sa Alabang Station, pumunta sa harap ng Starmall Alabang at tumawid sa kabilang dako.
- Pagkatawid, magtanong kung saan ang sakayan ng jeep papuntang ATC.
- Pagkatapos magtanong, sumakay sa jeep at pumara sa may ATC.
From Southern Luzon:
- Sumakay ng kahit anong bus na papuntang Alabang.
- Pagdating ng Alabang, tumawid papunta sa kabilang dako dahil sa may Starmall kayo nun ibababa.
- Pagkatawid, ipagtanong kung saan ang sakayan ng jeep na papuntang ATC.
- Pagkatapos magtanong, sumakay sa jeep at pumara sa may ATC.
- Kung meron kayong alam na sakayan ng van na diretsong alabang/festival mall/ATC, yun ang sakyan niyo para less hassle.
Mamili na lang sa dalawa.
Ayan na guys. Ayan ang mga direksyon papuntang ATC. Sana makatulong ito sa inyo. Yung mga hindi ko jan naisama, magTA kayo saken para maedit ko. Hindi ko kasi maisip ang mga iba pang posibleng panggalingan niyo eh. Malay ko ba kung galin kayong Moon o kaya Mars?
Sorry dun sa mga taga Cavite, hindi ko talaga alam kung pano pag galling dun.
Tandaan niyo to pag pupunta na kayo sa ATC:
Huwag niyong sasabihin sa driver ng jeep o konduktor ng bus na ibaba kayo sa destinasyon niyo kasi mabigat kayo. Ang sabihin niyo ay pakipara na lang ho sa *insert destination here* o kaya pakisabi ho sakin kapag nasa *insert destination here*.
Iwas pamimilosopo lang.
Tumawid din kayo sa mga tamang tawiran dahil ang pagtawid sa maling lugar ay nakamamatay.
Magdala din ng maraming pera para kung sakaling maligaw ay may pang taxi kayo.
Kung may mga karagdagang katanungan pa kayo kung paano magpunta sa ATC, magtanong lang kayo saken. Huwag na huwag magaanon.
http://smegmanator.tumblr.com/ask
Pakikalat! Maraming salamat.