
“Shinobi”
Ayan, feeling ninja na din ako pero hindi ko naman ginagaya sila Naruto. Di ko pa naman ginagaya yung pagtakbo ng mga ninja. Hindi din ako mamatay tao o yung tinatawag nilang assassin. Hindi din ako marunong magkubli sa dilim dahil ang tanging alam ko lang gawin ay ang maglinis ng bahay.
Hindi talaga ako nagpapakaninja, kinailangan ko lang talaga maglagay ng ganyan. Allergic kasi ako sa alikabok at kapag nakainhale ako nito, sangkatutak na haching ang nagagawa ko. Kaya ayan, naglagay ako ng mask gamit ang aking t-shirt.
Astig diba?