Bakit nga ba ganun? Bakit niyo ba nasasabi yan? Dahil ba onti na lang talaga ang matitinong lalaki ngayon? Oh baka naman minalas lang kayo sa pinili niyong mahalin?
Siguro nga minalas lang din kayo sa pinili niyong mahalin. Kasi kung tama/sinuwerte kayo sa pagpili, hindi niyo naman masasabi ang mga ganyang bagay eh.
At isa pa, baka naman di niyo muna kinilalang mabuti yung nanliligaw sayo? Yung tipong mga isang buwan pa lang nanliligaw ay sinagot mo na kahit di mo pa siya talaga lubos na kilala. Eh paano mo malalaman na mahal ka niya talaga kung hindi mo man lang patatagalin ng kaunti ang paghihirap niya?
Minsan kasi sa panliligaw ng isang lalaki mo siya makikilala. Dun mo malalaman kung seryoso talaga siya sayo. Dun mo malalaman kung mahal ka niya talaga at hindi ka niya magagawang gaguhin. Dun mo malalaman ang tunay niyang pakay kung bakit ka niya gustong maging kasintahan.
Kaya kung ako sa inyo, kilalanin niyo munang mabuti ang manliligaw niyo bago niyo sagutin. Pahirapan niyo ng kaunti. Kapag sumuko agad, katawan lang habol nun sayo. Pero kapag naghintay siya, mahal ka talaga nun.
Wala namang masama sa pagpapatagal ng panliligaw nila eh. Pero minsan, pag sobrang tagal mo na siyang pinag-aantay, kahit sobrang mahal ka niyan, maiinip din yan. Kaya kapag alam mo nang tunay ka niyang mahal at mahal mo na din naman siya, edi sagutin mo na.
Nga pala, nasubukan niyo na bang manligaw? Ang alam ko kasi napakahirap nun eh. Try niyo, baka sakaling magbago isip niyo tungkol sa mga lalake.