Quantcast
Channel: Magbasa ng Matuto
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Fuck Vacation! Wala Akong Pera!

$
0
0

Madami sa atin ang nagrereklamo na wala silang pera kapag bakasyon. Kasi nga walang pasok kaya wala ding allowance. Ang timano, mahina ang negosyo.

Hindi halos makalabas ng bahay. Hindi makagala. Ultimo pangload, wala. Kaya ang nangyayare, maghapon magdamag nakaharap sa kompyuter. Nagmumukmok sa kwarto.

Magdadahilan ng kung anu-ano para lang makahingi ng pera. Kesyo pupunta sa school. Kesyo may kailangang gawin sa school. Ngunit ang totoo, gagala lang talaga o kaya pupunta sa meetup kagaya ko. Oh kaya matututong mangupit.

Pero hindi mo ba naisip na kasalanan mo din naman kung bakit wala kang pera?

Hindi ka kasi nagipon nung may pasok pa. Kabilaan ang gastos mo. Tapos ngayon sisisihin mo yung sembreak na wala namang ginagawa sayo? Tanga ka ba?

Kung marunong ka lang sanang magipon edi hindi ka na nagalit sa mundo.

Hindi mo na sana sinisisi ang sembreak ngayon. Hindi ka sana nakakulong sa bahay niyo ngayon. Masaya ka sanang nakakasama ang mga kaibigan mo o ang mahal mo. Masaya ka sanang nakakapunta sa mga meetup. Masaya sana ang bakasyon mo.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Trending Articles