After 4 fucking years ay nakabalik din ako sa Letran, ang aking alma mater noong high school pa ako. Pero kada taon naman bumibisita ako dun. Iba nga lang ngayon dahil nakuha na din namin sa wakas ang aming yearbook na sobrang tagal bago marelease kaya medyo madami kaming nagkitakita.
Maganda naman ang pagkakagawa niya. At ang bata ng itsura ko sa picture. As in ang bata talaga kahit na apat na taon lang naman ang nakalipas. Lahat naman ang bata sa mga picture namin doon pero yung iba kasi parang walang pinagbago.
Tawa kami ng tawa habang pinagtititignan namin ang aming mga graduation picture. Tapos kasabay na din ang pagreminisce ng mga moments.
Naalala namin yung mga pinaggagagawa ng bawat isa noon. Yung mga pangungupal namin. Mga powertrip namin. Mga nangupal samin. Mga minahal namin at nangbasted sa amin. Mga gurong ginago namin at nanggago sa amin. Mga pagcut namin ng classes.
Basta isa isa naming binalikan yung buhay namin noon dahil alam namin na hindi na namin kailanman maibabalik ang ganong kasiyahan dahil hindi na kami muli pang makakabalik sa pagiging isang high school student.
Pagkatapos non ay naghiwahiwalay din kami sa loob ng Letran dahil sila ay may mga inaasikaso sa kadahilanang kuhaan ng mga grades nila ngayon at ako, naiwang nakaupo sa isang silya kasama ang taong mahal ko. Nagtagal pa ako ng sandali habang kasama at kausap siya.
Bago kami umalis ng Letran ay pinagmasdan ko munang mabuti ang aming eskuwelahan. Maraming nabago. Maraming nadagdag. Pero mananatili pa din ang pagdaloy ng dugong ARRIBA sa aking katawan at isipan.
Deus, Patria, Letran!