Seryoso to.
Tangina niyang 11:11 na yan eh. Bukod sa alam ko naman na hindi ito totoo kahit wala naman masama kung paniniwalaan eh never akong nagkaron ng chance makapag wish dyan sa putanginang 11:11 na yan.
Unang una, naka 24 hour format ang mga digital clocks ko. Military time sa madaling salita. Yung mga wrist watch ko naman na analog eh sa umaga ko lang din kasi ginagamit. Kapag nasa skul lang at may lakad. Kaya imposible na magamit ko ang wrist watch ko para sa 11:11 na yan.
Pangalawa, dahil nga naka military time ako, so 23:11 ang katumbas ng 11:11 dun kaya pwede ko na siyang makita kaso napakalupit talaga sa akin ng tadhana. Lagi ko na lang nalalagpasan. At hindi lang yun, laging 23:13 ang naabutan ko. Malas daw ang 13 kaya malas siguro talaga ako.
11:11, leche ka talaga. O siguro malas nga talaga ako? Hindi ko rin naman kasi masyadong pinapansin yang 11:11 na yan eh. Hindi ko din inaantay kasi mas mukhang epektib ang wish kapag by chance mo lang nakita yung 11:11.
Haaay 11:11, kailan kaya kita maabutan para naman masubukan ko ding magwish?