Patay na ang isa sa mga utak ng mansanas at ang karamihan ay nagluluksa pero bakit?
Hindi naman siya namigay ng libreng apple products ah. Buti sana kung namigay siya. At isa pa, andaming tao na ngayon ang lalong naadik sa teknolohiya dahil sa mga pinaggagawa niya.
Pero wala namang masama dun. Nais lang naman niyang mapasaya ang mga tao. Matulungan ang mga tao.
Ang kaso hindi naman ito libre. Ang mahal kaya ng apple products. Mas maiintindihan ko ang pagluluksa ng lahat kung ultimo pulubi ay mayroong ipod. Eh mansanas nga lang na literal wala sila apple products pa kaya?
Mas maiintindihan ko ang pakikiramay ng nakararami kung literal na nakatulong siya sa mundo. Yun bang mayroon siyang mga mahihirap na natulungan. Hindi yung tulong na pinagkakitaan.
Hindi ako against sa pakikiramay ng nakararami pero para kasing sobra na. Hindi naman kayo close ah. Nung namatayan ba kayo nagluksa din siya? Hindi diba?
Kaso ganun talaga. Sikat siya eh. Magaling siya. Hindi siya sumikat dahil sa pagarte kundi dahil sa kanyang utak. Isa siya sa mga tinitingala ko sa mundong ibabaw. At nakikiramay din ako sa pagkawala niya.
RIP Steve Jobs. Isa ka pa din sa mga nakatulong sa pagbabago ng mundo.