Huwag niyong sasabihin sa driver ng jeep o konduktor ng bus na ibaba kayo sa destinasyon niyo kasi mabigat kayo. Ang sabihin niyo ay pakipara na lang ho sa *insert destination here* o kaya pakisabi ho sakin kapag nasa *insert destination here*.
Iwas pamimilosopo lang.
Tumawid din kayo sa mga tamang tawiran dahil ang pagtawid sa maling lugar ay nakamamatay.
Magdala din ng maraming pera para kung sakaling maligaw ay may pang taxi kayo.
Kung gusto niyo magtanong kung paano magpunta sa ATC, magtanong lang kayo saken.