Quantcast
Channel: Magbasa ng Matuto
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Walang Kwentang Kiddie Show

$
0
0

Walang kakwenta kwenta ang mga palabas na pambata ngayon. OO di ko sila naappreciate kasi matanda na ako pero tangina talaga. Ang papanget na eh.

Bakit ba wala ng kwenta ang mga palabas ngayon? Nasaan na ang dating kaledad ng mga palabas noon? Talaga bang wala nang makakagawa ng magagandang kiddie shows ngayon?

Mabuti na lang talaga at naabutan ko yung mga magagandang kiddie shows tulad ng:

  • Ang Batibot
  • Sineskwela
  • Hiraya Manawari
  • Epol Apple
  • Math Tinik
  • Sesame Street
  • Yan lang ang tanda ko guys

Ang gaganda ng mga palabas na yan para saken. Nakatulong sila sa paglaki ko. Nakatulong silang madagdagan ang kaalaman ko kahit papaano noong bata pa ako. At kakaibang galak ang naidudulot nito sa akin kapag pinapanuod ko.

Tsaka parang tutorial na din ang mga palabas na yan eh. Filipino, Math, History, Science at English ang mga subjects ng mga kiddie shows noon diba?

Sigurado ako, natulungan nito ang mga kabataan noon na hindi nakakapag - aral dahil sa kakapusan sa pera. Kaya pano na lang ngayon kung wala ng ganyan? Mananatili na lang ba silang mang - mang at walang pinag - aralan?

Sana magkaroon ulit ng mga ganyan kagagandang palabas ngayon. Naaawa kasi ako sa mga kabataan ngayon na wala nang ibang ginawa kundi manuod lang ng manuod ng mga cartoons na hindi naman kapupulutan ng aral. Pati puro laro na din sa computer ang mga bata ngayon. Nakakaawa lang talaga.

Kailangan nila ng mga malulupet na kiddie shows. Para naman pagtanda nila may pagkekwentuhan din sila gaya ng ginagawa natin kapag nagrereminisce tayo ng kabataan natin. Atleast hindi puro computer games at walang kwentang cartoon ang paguusapan nila diba?


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Trending Articles