Quantcast
Channel: Magbasa ng Matuto
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Ang nasa litrato ay isang trak ng basura (kitang kita niyo...

$
0
0


Ang nasa litrato ay isang trak ng basura (kitang kita niyo naman diba?). Isang trak na hanggang tatlong tao lang ang maximum seating capacity pero ito ay overloaded dahil mas madami pa sa tatlo ang sakay nito. Isang trak na maihahalintulad sa naguumapaw na populasyon ng Maynila.

Ganito sa maynila, SIKSIKAN. Nagsisiksikan na ang mga tao dahil sa sobrang dami nila. Tila ba hindi na mapipigilan pa ang paglobo ng populasyon. Marami ang tao at maliit lang ang maynila. Kaya ayan, natututong magsiksikan ang mga tao. Natututo din silang tumira sa mga gilid ng ilog, tabi ng riles, at kung saan saan pa na pwedeng tirahan at hindi alintana ang kasamang panganib ng pagtira dito.

At dahil nga dito, nagkakaroon ng mga iskwater na kung saan napakaraming mga bata at halos sunud sunod ang kanilang mga edad. Hindi ata marunong magfamily planning ang kanilang mga magulang. Ang resulta, bata ang nahihirapan dahil wala naman silang mga trabaho kaya halos walang makain ang kanilang mga anak. Hindi din makapag – aral dahil walang pampaaral at marami pang ibang mga problema.

Kadalasan din sa mga iskwater na ito ay yung mga taga probinsya na nagpupumilit sumiksik sa maynila kahit na alam nilang wala silang mapapalang maganda dito. Nagbabakasakali sila na uunlad ang buhay nila sa maynila pero kabaliktaran naman ang nangyayare. Mas lalo lamang silang naghihirap at nalulubog sa utang. Tapos pagdating ng araw, tsaka nila maiisip na mas maganda pang bumalik na lamang sila sa kanikanilang mga probinsiya ngunit wala naman silang perang magamit para sa kanilang pamasahe pauwi. Hindi naman natin sila masisisi dahil nakikipag sapalaran lang sila. Kumbaga, kapit sa patalim na lang dahil sa hirap ng buhay.

Ginagawan naman ito ng paraan ng ating gobyerno. Kabikabila ang mga seminar tungkol sa family planning. Tinuturuan ang mga magulang ng tamang pagpapamilya. Tinuturuan sila kung paano gumamit ng mga pills at condom. Makakatulong naman ito sa mga magulang kaso tutol naman ang simbahan sa kadahilanang kasalanan daw ito sa Panginoon.

Ang labo diba? Makakahanap ng solusyon ang gobyerno tapos tututulan naman ng simbahan. Edi sana hindi na lang nag – isip ng solusyon. Nasayang pa tuloy yung perang ginamit sa pag – iisip nito.

Meron ding mga proyektong nagnanais ng magbigay ng tulong sa mga taong gusto ng bumalik sa kanilang mga probinsya. Kung minsan nga ay may hanapbuhay pang naghihintay sa kanila doon.

Hindi naman talaga tayo pinapabayaan ng ating pamahalaan. Hindi lang natin ito maramdaman dahil mas nananaig sa ating mga kokote ang kapalpakan ng gobyerno. May kaunting tiwala pa naman ako sa kanila at sana ay huwag itong tuluyang mawala. Sana din ay huwag naman masyadong kontrahin ng simbahan ang pamahalaan. Paano kaya kung sila ang kontrahin ng mga katoliko? Ano kayang mararamdaman nila? Sinosolusyonan lang naman ang problema sa patuloy na paglobo ng populasyon at wala naman planong babuyin o bastusin ang mga nakasaad sa banal na Bibiliya.

Tama naman diba?


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Trending Articles