Quantcast
Channel: Magbasa ng Matuto
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Madulas ang Hagdang Basa

$
0
0

Isang maulang miyerkules ng gabi sa Tulay, Guadalupe. May nakita akong magandang sapatos sa ukay – ukay. Pinuntahan ko ito at tinignan kung maganda nga talaga para malaman ko ang pangalan ng design at mabili sa mall. Nang makita ko na ito ay umalis na din ako.

Nagmamadali ako noon dahil gabi na nga at ako’y gutom na. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nadulas ako pababa ng hagdan. Plakda ang aking puwetan sa baitang ng hagdan at dumausdos pababa ng mga limang baitang.

Hindi ko napigilan ang pagdausdos ko. Ang sakit, nabugbog ang muscle ko sa puwet. Muntikan ko pang madamay yung lola na pababa din ng hagdan dahil nauna siya sa akin.

Tumayo ako agad. Nagsorry pa ako sa matanda. Tapos narinig ko yung isang vendor at ang sabi niya, “Bakit mo kasi tinulak lola?”, sabay nagtawanan silang mga nakakita.

Ang dami palang nakakita, nakakahiya. Halos wala na akong maipakitang mukha sa kanila. Binilisan ko na lang ang lakad ko nang parang walang nangyare pero masakit talaga.

Pag – uwi ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto. Putikan pala ang pantalon ko. Nakakahiya talaga sa mga nakakakita.

Sa susunod, hindi na talaga ako magmamadali kapag nasa hagdan ako at maulan. Hinding hindi ko kakalimutan na “Madulas ang Hagdang Basa”. Ayaw ko nang maulit pa ang nakakahiyang pangyayareng iyon.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Trending Articles