- Ang tunay na lalake ay di natutulog.
- Ang tunay na lalake ay di nagtetext – back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
- Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
- Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
- Ang tunay na lalake ay walang abs.
- Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
- Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
- Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
- Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga damit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay na lalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
Dahil sa manifesto na iyan, napagalaman na wala talagang TUNAY NA LALAKE. Wala kasing lalake ang kayang gawin o nagtataglay ng lahat ng katangiang iyan. Kaya naman kung may kilala kang TNL, mag - ingat ka dahil poser siya. Ang mga poser na ito ay madalas ding makikitang nakasuot ng mga TNL shirts na mabibili sa mga tabi tabi.
Leche, maski ako pala hindi tunay na lalake. Kasi naman natutulog ako eh tsaka wala akong tae sa brief. hahaha