Quantcast
Channel: Magbasa ng Matuto
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Diksyunaryo para sa mga ESTUDYANTE (Part I)

$
0
0
  • Allowance/Baon

Ang tanging dahilan kung bakit tayo pumapasok. Kapag wala nito, mahirap pumasok kasi wala kang pamasahe at wala kang maiipon. Bonus na lang yung mga kickback mo.

  • Bonus

Ang susi para makapasa sa mga demonyong exams. Mas maraming bonus equals mas malaking chance para pumasa. Pero pwede ka din naman mangopya.

  • Bukas

Ang deadline ay BUKAS! Nako, kailangan mo na tapusin ang projects at assignments mo. Tigilan muna ang tumblr sandali. Pero ang tunay na nangyayare pinagsasabay ang paggawa ng school works at tumblr.

  • Break Time

Ang pinaka enjoyable na subject. Paborito ng lahat.

  • Clinic

Ang bahay ng mga magagaling umarte. Kunware may masakit para lang makatulog sa clinic dahil tinatamad pumasok.

  • ID

Ang kailangan para makapasok sa school dahil No ID no entry policy na ngayon. Pwede ding gamitin bilang ruler kapag wala ka.

  • Matalino

Ang iyong bestfriend tuwing exams. Pero dapat yung mabaet na matalino para mapagbigay.

Abangan ang Part II


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Trending Articles