Kalagitnaan ng S.Y. ’98 – ’99 ng mapatrobol si Paul. Oo, grade 1 siya noon at siya ay nasangkot sa isang krimeng pang eskuwelahan. Narito ang istorya.
May kumalat na papel na pang grade 1 sa loob ng classroom at puno ito ng sulat na panay kabastusan. Umabot hanggang sa guro ang papel na ito at kanyang nabasa. Bigla siyang sumimangot at biglang pinalabas si Paul ng silid – aralan upang kausapin.
Guro: Mr. Ferrer!!! Ano itong papel na ito?
Paul: Papel po na pang grade 1 mam.
Guro: Alam kong papel pero ano itong mga nakasulat dito?
Paul: Hindi ko po alam mam. Hindi ko pa naman po nakikita yung mga nakasulat eh.
Guro: Oh heto, basahin mo.
Binasa ni Paul ang mga nakasulat at siya ay nagtataka dahil hindi naman niya alam kung anu ang mga nakasulat dito. Ah, meron pala pero dalawang salita lang. Ang “titi” at “pepe”. Alam niya yun dahil napakasimpleng salita lang naman ng dalawang iyon.
Paul: Mam, ano po yang mga yan?
Guro: Hindi mo alam?
Paul: Ay alam ko po kaya ko po tinatanong kung ano yan. Hindi ko po alam mam. Ano ba yang mga yan?
Guro: Hindi mo ba talaga alam? Eh ikaw ang nagsulat nito ah. At bakit nakasulat sa likod ang pangalan mo?
Tinignan ni Paul ang likod ng papel at may nakasaad nga dito na siya ang nagsulat. Hindi niya malaman kung papaano napasulat dun ang pangalan niya. Hindi din talaga niya alam ang mga nakasulat doon. Hindi niya alam kung sino ang gumawa noon.
Paul: Oo nga mam, nasa likod nga pangalan ko. Baka nga po ako ang nagsulat niyan pero hindi ko po talaga alam yung mga nakasulat kaya pano ko isusulat yan?
Guro: Wag mo kong paglolokohing bata ka. Anong numero ng telepono niyo?
Paul: Tanong niyo po sa likod ng ID ko baka sakaling malaman niyo po ang sagot. Hindi ko po kasi kabisado eh.
Tinawagan nga ng guro ang nanay ni Paul at pinapunta ito sa eskuwelahan para makausap. Sa guidance office kinausap ang kanyang nanay habang siya ay nag – aantay sa labas. Maya – maya ay pinapasok siya sa opisina.
G. Counselor: Mr. Ferrer, hindi ba talaga ikaw ang nagsulat?
Paul: Mam hindi nga po ako. Bakit niyo po ba ako pinagbibintangan?
G. Counselor: Pasensya ka na iho kasi nakasulat yung pangalan mo.
Paul: Eh mam, pwede naman pong iba ang magsulat niyan at ilagay ang pangalan ko. Di niyo po ba yun naisip?
G. Counselor: Aba’y tama ka nga. O sige, heto ang lapis at papel. Kopyahin mo ang mga nakasulat dito sa papel na ito.
Yung Guidance Counselor pala ni Paul ang nagturo sa kanyang mangopya. Kabata pa ni Paul tinuturuan na niya. Kaya pala namaster na ni Paul ang pangongopya eh. Grade 1 pa lang eh marunong na siya.
Kinopyang lahat ni Paul ang nakasulat sa papel. Hindi pa din niya naiintindihan ang kanyang kinokopya ngunit masaya siya habang nagsusulat at hindi alam na may mangyayari na pala sa kanya. Iniabot niya agad ang papel pagkatapos niya.
G. Counselor: Ang pangit ng sulat mo! Sinadya mo ba yan?
Paul: Aba mam, hindi po. Ganyan po talaga ang sulat ko. Tignan niyo pa mga notebook ko.
Inilabas ang notebook at ipinakita sa guro.
G. Counselor: Tama ka nga. Pangit nga talaga ang sulat mo. Pero bakit ang ganda ng sulat nitong nasa papel?
Paul: Malay ko po. Ako ba nagsulat niyan? Sinabi ko naman po kasi sa inyo na hindi ako ang nagsulat niyan eh.
G. Counselor: Mrs. Ferrer, hindi po talaga namin mapapayagan ang mga ganitong gawain sa eskuwelahan namin kaya po siguro ay wag niyo po munang papasukin ang anak niyo habang iniimbestigahan pa po ang kasong ito. Sinusunod lang po namin ang panuntunan ng eskuwelahan. Pasensya na po kayo at sana ay maintindihan niyo.
Mrs. Ferrer: Naiintindihan ko po. Sana ay maresolba niyo po agad ng maayos ang kasong ito para naman makapasok na po ulit ang anak ko.
G. Counselor: Gagawin po namin ang lahat. At salamat po sa pag – unawa niyo.
Isang linggo ding hindi nakapasok itong si Paul dahil nga sa kasalanan niyang hindi naman siya ang gumawa. Muntik na din siyang maexpel dahil sa kasalanang iyon. Mabuti na lamang at to the rescue ang kanyang tiyahin na pinagmumura ang mga opisyal ng paaralan. Hindi kasi matanggap ng tiyahin niya na maeexpel ang pamangkin niya kahit napatunayan naman nang hindi si Paul ang nagsulat noon.
Todo pasensya naman ang paaralan sa magulang ni Paul lalo na dun sa kanyang tiyahin. Pinapasok na ding muli si Paul. Personal namang humingi ng tawad kay Paul ang kanyang guro at ang guidance counselor kasama ng mga opisyal dahil sa pagbibintang sa kanya.
Masaya naman itong si Paul dahil siya ay nakapasok muli at tinapos niya ang grade 1 with honors.
The End.
Mga batang tumblrista, wag niyong tutularan si kuya Paul niyo ha. Huwag kayong magpapabintang sa mga guro niyo. Sagutin niyo kung kinakailangan. Walang masama sa pangagatwiran basta alam mong nasa tama ka.
Inuulit ko din na may karagdagang elemento ang istoryang ito pero ito ay nangyare sa tunay na buhay dahil base ito sa aking karanasan.
Abangan ang susunod na istorya ni Paul next week. =)