Quantcast
Channel: Magbasa ng Matuto
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Alis! Ako Naman!

$
0
0

Nasubukan mo na bang mapaalis ng nanay o tatay mo sa harapan ng computer dahil sila naman ang gagamit?

Minsan nakakainis yung ganun diba? Lalo na kapag ang dahilan ay yung magfafarmville muna siya o magpopoker. Tapos may kasama pang drama na kesyo lagi na lang daw ako ang gumagamit ng computer, kesyo ganito, kesyo ganyan pero galit naman ang tono.

  • Yung tipong nasa rurok ka ng kasiyahan tapos biglang sasabihing pagamit naman ako.
  • Yung tipong enjoy na enjoy ka sa panunuod ng videos sa youtube tapos biglang sasabihing pagamit naman ako.
  • Yung tipong nagbabasa ka ng paborito mong manga na hindi puwedeng hindi ka updated dahil mahuhuli ka sa mga kuwentuhan ng barkada tapos sasabihing pagamit naman ako.
  • Yung tipong naglalaro ka ng crossfire at mananalo na ang team niyo ngunit namatay ka dahil nagambala ka matapos kang tabigin sabay sabing pagamit naman ako.
  • Yung tipong nagbabackread ka sa tumblr or gumagawa ka ng blog tapos bigla kang papaalisin at sasabihin na pagamit naman ako.
  • Yung tipong gumagawa ka ng project na deadline na bukas at mahigpit pa yung prof na alam mong hindi nagbibigay ng konsiderasyon tapos biglang sasabihing pagamit naman ako.

Sino bang may gusto ng ganyan?

Ang nakakainis kasi talaga dun eh kung bakit kapag gumagamit ka tsaka sila sisingit. Bakit hindi sila magfarmville o magpoker pag hindi mo gamit ang computer? Gusto pa yung laging sumasabay. Pati sana ay maayos naman yung pagpapaalis sayo. Minsan kasi sisingit na nga lang garapal pa. Hindi marunong makiusap.

Mabuti na lang at nakakaintindi tayo. Pati wala din naman tayong palag kasi sila ang nagbabayad ng kuryente at internet connection kaya magpaubaya ka na lang kung ayaw mong mapagalitan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Trending Articles