Sa wakas! Nasubukan ko ding umihi sa MMDA Male Urinal. Hindi naman mabaho tulad ng ibang urinal. Or baka lagi lang nalilinis? Pwede ding hindi masyadong nagagamit. Basta masaya ang pakiramdam kasi nailabas ko ang likido sa aking gall bladder na inipon ko sa loob ng mahigit isang oras. Lintik na bus kasi yan, ang bagal. Sa SLEX pa naman ang daan kaya bawal pumara.
Noong una nahihiya ako kasi madaming tao pero hindi ko na talaga kayang pigilian pa kaya inuna ko na ang pangangailangan ko kesa ang aking pride. At bakit naman pala ako mahihiya? Eh gabi naman nun kaya di nila ko masyadong makikita at ano naman kung makita nila mukha ko, eh hindi naman nila ako kilala diba?
Kaya kayong mga kalalakihan, kapag nasa edsa kayo at kayo ay naiihi na at walang makitang establishment na may CR, sugod na sa pinakamalapit na URINAL. Ipinagawa ng MMDA yan para saten kaya huwag ka na maginarte lalo na kapag di mo na mapigilan. Mahirap na baka magkasakit ka pa sa bato niyan.