Quantcast
Channel: Magbasa ng Matuto
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Ang Istorya ni Paul: Bring Your Mother!

$
0
0
Dahil first day of classes, excited na pumasok si Paul sa eskuwelahan. Grade 3 siya noon at sadyang napakakulit niyang bata. Yung tipong hindi mapakali sa isang lugar. Mayroon kasi siyang ADHD kaya talagang hindi siya marunong mapirmi.

Hindi naman mapanakit itong si Paul. Makulit lang talaga at maingay na din. Syempre kasama na ng pagiging makulit ang maingay. Satsat dito, satsat doon. Lahat kinakausap niya dahil gusto niyang magkaroon ng mga bagong kaibigan.

Hanggang sa dumating sa point na nainis at nagalit na ang kanyang guro. Napuno na siguro. Pinatayo siya at kinausap.

Guro: Mr. Ferrer. Bakit ang ingay mo? Tumayo ka nga dun sa may gilid. (sabay turo sa sulok ng silid – aralan)

Paul: Sorry po ma’am. (sumunod naman siya at tumayo)

Guro: Bukas papuntahin mo nanay mo dito. Huwag kang papasok hangga’t di mo kasama nanay mo.

Paul: Opo ma’am.

Natapos ang subject at nakaupo na din siyang muli. Pinatawag siya sa guidance office. Doon ay kinausap siya ng guidance counsellor at ng kanyang adviser.

Hiningi ang kanyang diary at may isinulat. Para sa nanay niya. Iniimbitahan ang kanyang ina para makausap at nakasaad din doon na hindi papapasukin si Paul hangga’t hindi nakakausap ang kanyang ina.

Oras na ng pag – uwi at umuwi na din itong si Paul lulan ng kanyang school service. Pag – uwi niya ay wala na ang kanyang ina. Nakaalis na para pumasok dahil panggabi. Hindi niya naipakita ang nakasulat sa kanyang diary kaya hindi makakapunta ang kanyang nanay sa eskuwelahan.

Kinabukasan pagkagising niya ay tulog na ang kanyang nanay kaya wala talagang paraan para masabi niya ito. Natatakot din kasi siya na mapagalitan. At ibang klase din naman na first day of classes pa lang eh ‘Bring your mother’ na agad kaya takot na takot talaga siya. Ibang klase din kasi magalit ang kanyang ina.

Pumasok pa din si Paul pero hindi siya dumiretso sa kanyang silid – aralan. Inantay niyang makaalis ang school service. Inantay niyang tumunog ang bell. Pagkatapos ay hindi pa din siya pumasok. Bagkus ay lumabas siya ng eskuwelahan dahil natatakot siyang pumasok. Ayaw niya kasing mapagalitan ng kanyang guro dahil hindi niya kasama ang kanyang ina kaya minabuti na lang niyang umuwi.

Wala siyang pamasahe ng mga panahong iyon dahil hindi siya binibigyan ng pera. Baong pagkaen lang ang laman ng kanyang luchbox kaya minabuti niyang maglakad. Tinahak niya ang kalsada pauwi sa kanilang bahay. Hindi naman siya naligaw dahil magaling sa direksyon ang batang si Paul. Nakarating siya sa kanila ng maayos at buhay.

Nagulat ang kanyang nanay ng makita siya sa harapan ng kanilang pintuan.

Mercy: Oh, bakit nandito ka? Paano ka nakauwi?

Paul: Masakit kasi ang tiyan ko mama kaya ako umuwi.(pagsisinungaling niya)

Mercy: (nagtatakang nagtanong) Eh paano ka nakauwi?

Paul: Naglakad po ako. Wala naman akong pamasahe eh.

Mercy: Ganun ba? O sige, uminom ka na ng diatabs at matulog ka na lang muna. (hindi siya naniniwala)

Paul: Ok po. (sabay inom ng diatabs at natulog)

Pagkagising niya, umiiyak ang kanyang ina. Hindi niya alam kung bakit. Pero parang nakukutuban niya na nalaman na nito kung bakit talaga siya umuwi.

Paul: Ma, bakit ka umiiyak?

Mercy: Bakit di mo sinabi na pinapatawag ako sa school mo?

Paul: Pano mo nalaman mama?

Mercy: Tumawag ako sa school mo. Bakit di mo sinabe sa akin ha?

Paul: Kasi mama pagdating ko galing school wala ka na tapos pag gising ko naman tulog ka na. Hindi ko na nasabi.

Mercy: Sana ginising mo ko o kaya sinabi mo sa kasambahay naten.

Paul: Eh mama natatakot ako. Baka pagalitan mo ko.

Mercy: Mas magagalit ako sa ginawa mo eh. Hindi ka ba natakot na baka mapano ka sa kalsada?

Paul: Eh wala naman po nangyare sa akin mama. Tsaka alam ko naman ang pauwi.

Mercy: Hindi yun eh. Pano kung nakidnap ka?

Paul: Sorry na po. Hindi ko na po uulitin.

Mercy: Talagang huwag mo na uulitin kung ayaw mong mamatay ako sa nerbyos. Bukas sasamahan kita sa school para makipagusap sa teacher mo. Sige magpahinga ka na.

Hindi nakapasok ang kanyang ina ng gabing iyon dahil sa sobrang pag – aalala at nerbyos. Tinabihan niya sa pagtulog si Paul at kinabukasan ay sinamahan siya ng kanyang ina sa eskuwelahan.

Naging maayos naman ang lahat. Humingi ng pasensya ang kanyang ina sa kanyang guro at humingi din naman ng pasensya ang eskuwelahan sa kanyang ina dahil sa pagpapabaya nito sa mga mag – aral.

Nakapasok na muli itong si Paul sa kanyang mga klase pero hindi pa rin siya nagbago. Makulit at maingay pa rin siya pero binalewala na ito ng kanyang mga guro dahil alam na nilang may ADHD si Paul. Sila na lang ang umintindi at nagpasensya sa bata.

The End.

Mga batang tumblrista, wag niyong tutularan si kuya Paul niyo ha. Inuulit ko din na may karagdagang elemento ang istoryang ito pero ito ay nangyare sa tunay na buhay dahil base ito sa aking karanasan.

Abangan ang susunod na istorya ni Paul next week. =)

Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Trending Articles