Quantcast
Channel: Magbasa ng Matuto
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Ang Istorya ni Paul: Saan ba ako LULUGAR?

$
0
0
Si Paul na sa Maynila nag - aaral ay minsan lang umuwi sa kanilang probinsiya para makatipid. At dahil nga minsan lang siya umuwi sa kanila ay agad siyang pinapayagan ni Mercy kapag nagpapaalam siya na may pupuntahan. Bihira lang din naman kasing lumabas ng bahay itong si Paul kapag nasa probinsiya kaya wala talagang problema ito kay Mercy.

Isang araw, nagpaalam si Paul na magiinuman sila ng kanyang barkada doon sa bahay ng isa niyang tropa. Medyo may kalayuan ito sa kanila pero pinayagan pa din siya.

Naging masaya ang kanilang inuman at hindi nila namalayan na malalim na pala ang gabi ng sila ay matapos. Lasing na lasing itong si Paul pero pinilit niya pa ding umuwi ng kanilang bahay kahit na alam niyang delikado na. Magagalit kasi ang kanyang ina kapag siya ay hindi umuwi ng bahay. Madaling araw na siya nakauwi sa kanila at galit na galit naman ang kanyang ina habang inaantay siya.

Paul: Mama, nandito na ko. Pagbuksan mo ko ng pinto. (sabay bato ng maliit na bato sa may bintana para magising ang nanay)

Mercy: (galit) Bakit ngayon ka lang??

Paul: Kakatapos lang namin maginom. Alam ko kasing magagalit ka kapag di ako umuwi eh.

Mercy: (galit) Bakit di ka tumawag o nagtext man lang?

Paul: Masyado kasi kaming masaya ma kaya nakalimutan kitang itext.

Mercy: (galit) Ewan ko sayo. Hindi ka ba natatakot mapagtripan diyan sa kalsada? Pano kung may nangyare sayo? Pagaalalahanin mo pa ko. Dapat dun ka na lang natulog.

Paul: Pasensya ka na mama, di na mauulit.

Mercy: (galit na galit) Talagang hindi na dahil sa susunod na ganyan ka, di na kita papayagan!!!

Paul: Ok, salamat po.

Lumipas ang ilang buwan, nagkaroon ulit ng kasiyahan sila Paul at ang kanyang barkada. Lasing na lasing na naman itong si Paul at sa sobrang kalasingan ay dun na siya nakatulog. Sa madaling salita, umaga na ng siya ay umuwi sa kanila,

Paul: Mama, nandito na ko. Buksan mo ang pinto.

Mercy: (galit) Bakit ngayon ka lang?

Paul: Kasi hindi ko na kayang umuwi kagabi dahil lasing na ako at nakatulog na ako sa sobrang kalasingan.

Mercy: (galit) Bakit di mo sinasagot mga tawag at text ko? May load ka naman. Gasino na lang ba yung isang reply na dun ka matutulog.

Paul: (naiinis) Tulog na nga ako diba? Pano kita marereplyan kung tulog ako?

Mercy: (galit na galit)Punyeta!!! Lagi ka na lang ganyan. Inom ka kasi ng inom di mo naman pala kaya sarili mo. Lagi mo na lang akong pinagaalala.

Paul: (inis na inis) Ano bang problema mo mama? Nung umuwi ako dati ng lasing at disoras na ng gabi nagalit ka. Ngayong sinunod ko yung sinabi mo na dun na lang matulog kapag lasing na, nagalit ka pa din. Saan ba ko lulugar??

Mercy: Doon (sabay turo sa labas). (galit na galit na galit) Doon ka sa labas lumugar!!! (galit + end of the world) Lumayas ka na!!!

Malungkot na nagalsa balutan itong si Paul at lumuwas pabalik ng Maynila. Di kalaunan ay nagkaayos din naman sila ni Mercy. Natuto na din tong si Paul na laging magtetext sa kanyang ina kapag alam niyang alanganin na ang oras.

The End.

Mga batang tumblrista, wag niyong tutularan si kuya Paul niyo ha. Inuulit ko din na may karagdagang elemento ang istoryang ito pero ito ay nangyare sa tunay na buhay dahil base ito sa aking karanasan.

Nakuha niyo ba ang punto ko? Kung hindi, basahing muli ang istorya.

Abangan ang susunod na istorya ni Paul next week. =)

Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Trending Articles