Simple lang yan brad. Magdala ka ng isang malaking payong. Yung pangpamilya. Pero hindi naman yung micromatic na ginagamit sa mga tindahan. Yung sakto lang. Basta hindi folding.
Sigurado ako, dadami ang kaibigan mo. Yayakapin ka pa nila sa sobrang saya nila.
Bakit?
Kasi wala silang payong at ituturing ka nilang hulog ng langit kapag may payong ka. So mas malaking payong equals mas maraming kaibigan. Parang yung sa papel lang yan. Kapag may papel ka kasi ay kaibigan ka ng lahat.
Pero ang pinagkaiba ng papel sa payong ay yung payong pwede mong ipangchix. Yung papel hindi eh or siguro pwede din pero mas astig yung sa payong.
Nasayo na yun kung pano mo ito gagamitin para makapambabae ka. Basta pwede yun. Wag mo nga lang gagawin kapag may GF ka kasi bawal yun.
So, wag mong kakalimutang magdala lagi ng payong ha. =)