Panira talaga ng panunuod ng tv or pagkakaron ng leisure time ang pag – aaral. Imbis kasi na nagpapakabusy ka sa mga iba’t ibang non – academic na bagay, napipilitan kang magbuklat ng libro at gumawa ng mga assignment, projects at ng mga kung anu – ano pang pahirap sa pag – aaral. Hindi ka makapagpahinga ng maayos. Hindi ka makalabas ng bahay para maggala. Basta, madami kang hindi magagawa kapag nag – aaral ka.
Una sa lahat, bakit pa kasi nila inimbento ang mga pinag – aaralan natin ngayon? Wala ba silang magawa noong mga panahon na iyon kaya nila pinagsikapang tuklasin ang mga ito? Iniisip din kaya nila noon kung saan nanggagaling at kung sinong henyo ang nagimbento ng mga tinuturo sa kanila na nagpapahirap lang ng kanilang mga buhay?
Pangalawa, ano kaya ang mga pinag – aaralan nila noon at nagkaroon sila ng mga ideya para matuklasan nila ang mga pinag – aaralan natin ngayon? Kung sila ang nakatuklas ng isang ganitong bagay, saan nila nakuha ang kaalaman para malaman yun kung walang nagtuturo sa kanila ng mga basics? Sadya lang kayang henyo at matalino sila?
Pangatlo, saan nanggaling yung mga tinuro sa kanila ng kanilang mga guro? Inimbento din kaya ito ng mga matatalino noong bago pa ipanganak ang mga kilala nating henyo?
Pang – apat, kung wala pang mga kumplikadong aralin noon, ang ibig sabihin ba nito ay mga bobo ang mga tao noon? Masasabi ba natin na mas matalino tayong nabubuhay sa panahon na ito dahil mas madami tayong pinag – aaralan na hindi nila naaral noon?
Ay ewan,naguluhan na ako. Ang gulo ng isip ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kelangan pang pag – aralan ang mga sobrang kumplikadong bagay na nagpapahirap lang sa buhay ng bawat tao.
Hindi ko naman magagamit ang pagkokompyut ng puwersang ineexert ng aking mga paa sa lupa sa tuwing ako ay maglalakad. Hindi ko rin naman kokompyutin ang speed ko kapag naglalakad ako o tumatakbo. Wala din namang magsusukli sa akin ng (6+1.5i) raised to 1/9 at hinding hindi rin naman ako magbabayad ng ganyan. Kapag may ibinato akong papel sa basurahan kapag nagsosolve ako at nagkamali, hindi ko naman kokompyutin ang trajectory, velocity at acceleration nito.
Pwede naman kasing walang mga ganun. Sino ba kasing nakaimbento ng mga ganung bagay? Tapos dadagdagan pa ng mga tortuting paraphernalia na tulad ng mga homeworks, projects, thesis at lalong lalo na yung exam. Grabe siya magpahirap. Dapat siya o sila na gawaran ng pagkilala dahil napahirapan nila ang buhay ng isang normal na taong katulad ko.
Ang haba ng sinabi ko, tinatamad lang naman ako gumawa ng report. =)