DAY 38
Ano pa nga bang masasabi ko sa henerasyong kinalakihan ko? Wala na eh. Isang salita lang naman kasi ang akma para matukoy ang aking henerasyon:
“ASTIG”
Wala na yatang tatalo pa sa henerasyon na to. Hindi masyadong kinain ng teknolohiya ang aming mga utak pero available naman na ito. Ang swerte lang kasi nakapaglaro pa kami ng mga larong kalye. At yun ang pinaka maganda dito.
Ang kinaganda lang din kasi samin, talagang malaki ang takot namin sa aming mga magulang. Hindi man katulad ng takot noong mga unang panhon na isang sitsit lang eh uuwi na agad, atleast nandun pa in ang respeto.
Kaso, ang henerasyon na to, eh masyado nang mapusok. Bihira na ang Maria Clara at *ano bang tawag sa male version ni maria clara*. Masyadong americanized ang utak eh. Sumasabay na western lifestyle. Lalo na yung mga mas bata sa amin.
Basta wala na akong masabi. ASTIG kasi talaga eh.