Quantcast
Channel: Magbasa ng Matuto
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

'All Iz Well'

$
0
0

DAY 35

Mula ng mapanood ko yung 3 Idiots, tumatak talaga sa isipan ko yang tatlong salita na yan. Ang lakas ng impact eh. Parang yung pagtama ng meteor sa earth na naging dahilan ng extinction ng mga dinosaurs ang drama.

Pero gusto ko talaga yang linyang yan. Ikaw lang din naman kasi makakatulog sa sarili mo kapag may problema. Oo maraming taong pwedeng makapag advice sa’yo pero pagdating sa dulo, ikaw pa din ang masusunod sa desisyon na gagawin mo.

Tapos parang nakakagaan din talaga ng loob kapag sinasabi ko yan sa sarili ko tuwing may problema ako. Kasi naiisip ko, hindi tayo bibigyan ng problema na hindi natin kayang solusyonan. Mabaitk kasi ang Diyos eh. Sinusubukan niya lang naman tayo. Ayaw niyang sumuko tayo sa ating mga problema. Ayaw niya tayong maging isang talunan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Trending Articles