Bakit nga ba umiiwas ang lalaki sa babae ng walang dahilan?
Basta ang alam ko, dalawang dahilan lang ang meron kung bakit ‘kami’ iiwas sa inyo.
- Pwedeng mahal na namin kayo pero alam namin na hanggang dun na lang yun kaya iwas muna ng konti para hindi na lalong madevelop ang feelings namin para sa inyo. Lalo na kapag super close tayo. Mas madali kasing nadedevelop ang feelings kapag close na close eh.Tapos dun na naguumpisa yun kasi alam namin crushes niyo, yung mga minamahal niyo at yung mga nanliligaw sa inyo. Anong gagawin namin kung wala kami sa listahan ng mga yan diba? Syempre lalayo talaga kami dahil ayaw din naming masaktan ng bongga. Masakit na nga para sa amin na layuan kayo pero mas lalong masakit yung nandiyan parin kami sa tabi niyo at patuloy na masasaktan. Pero sigurado lilipas din yung ganito kaso baka nga lang hindi na bumalik sa dating closeness.
- Pwede ding, binasted niyo kami. Pag ganun kasi, no choice talaga kundi umiwas muna para na din makalimutan kayo. Tinutulungan lang din namin ang mga sarili namin. Ayaw naming umasa pa. Basted na nga eh. Ibig sabihin wala na talagang chance. Pero may mga tanga pa din na kahit binasted na eh sige pa din at sila yung mga lalaking nagiging EMO. Pag ganito kami, hayaan niyo na lang.
Suma tutal, kahit ano pa yan, once na iniwasan ka ng lalaki ng walang dahilan, wag niyo na lang itanong. Intindihin niyo na lang. Sabi nga nila, try to read between the lines daw. Hindi lahat ng katanungan eh dapat sagutin. May feelings din kasi kaming mga lalaki. At yung pakiramdam niyo na hindi niyo kami maintindihan eh nararamdaman din namin yun kapag di din namin kayo maintindihan.
Teka, kelan nga ba tayo mag kakaintindihan?