Quantcast
Channel: Magbasa ng Matuto
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Ang Pamilya Ko!

$
0
0

DAY 19

So wala naman kasing espesyal sa pamilya ko. Bale ganito ikekwento ko na lang.

Ipinanganak ako noong April 25, 1992 sa San Juan Manila tapos sa Sta. Mesa kami tumira noon. Lumipat din pala kami sa makati nung 2 years old ata ako (sabi ng tatay ko eh) tapos bumalik din kami ng Sta. Mesa nung nag taiwan na siya. Si mama nagtatrabaho na nun so ang nag-aalaga talaga saken noon ay ang lola ko.

Nung nag 4 years old ako, umuwi tatay ko. Tapos nakabili kami nun ng bahay sa Laguna at dun na kami nanirahan. Bata pa lang ako nasusunod na talaga ang luho ko. Sa private pa nga ako nag-aaral. Tapos nun lolo ko na nag-aalaga saken nun kasi di na pwede yung lola ko dahil yung mga pinsan ko naman inalagaan niya.

Nung nag 7 ako, umalis ulit si papa papuntang korea naman. Mas lalo akong naging maluho nung mga panahon na yon. Hanggang sa maisipan naman ng nanay ko na pumunta din dun. 10 years old ako nung nagpunta si mama don. Naiwan na naman akong mag-isa sa piling ng aking lolo’t lola.

Pag-uwi ng nanay ko, buntis na siya. Binuntis ng tatay ko. Yung tatay ko di umuwi kasi nagTNT siya. Tapos yun nga, pinanganak yung kapatid ko noong January 24, 2006. 2nd year high school ako noon. Maayos naman ang buhay pa namin. Hanggang nung nag 4th year high school ako eh parang nagaaway lagi sa telepono si mama at papa.

Ayun nga, hanggang sa nagkaroon ng chix ang tatay ko doon na hindi naman talaga chix. Tapos yun, syempre nadepress si mama. Di na din kasi siya makapagtrabaho nun dahil may edad na. Bale umaasa pa din kami sa tatay ko.

Kaso nga lang, nahuli na ang tatay ko at pinauwi na siya ng Pilipinas. Bale nagbakasyon pa dito tatay ko noong 8 at 9 years old ako at yung ang huli kong kita sa kanya bago kahapon. After 10 years, nagkita na kami ulit kahapon pero yung kapatid ko never pa niyang nakita kaya gusto daw niyang makita kaso di sila bati ng nanay ko so hindi namin alam kung paano. Wala akong galit sa tatay ko kahit ganun ang nangyare at hindi ko alam kung bakit. Pero syempre nanay ko galit na galit yun panigurado. Wala na nga lang magagawa. Basta kung babalik pa sa amin ang tatay ko, tatanggapin daw ni mama para daw samin. Ang baet ng nanay ko diba.

Ang problema namin ngayon eh kung saan kukuha ng panggastos. Sakin may susuporta kaso yung kapatid ko ang problema. Kaya ayun, kailangan ko na makagraduate agad at makahanap ng trabaho para masuportahan naman ang kapatid ko.

Sa madaling salita, lumaki talaga ako ng walang mga magulang. Not totally wala kundi walang presensiya pero nandiyan naman ang kanilang suporta.

Ayan, ayan ang gist ng storya ng pamilya ko. Sana maayos. Pero kung hindi man, tatanggapin ko na lang. =)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1218

Latest Images

Trending Articles



Latest Images